Kinabukasan lihim nagpunta si Erron sa presinto at siya ay nakipag-usap kay Capt. Rey Manzano para sa kaso ng mga anak niya. Kinuwento niya rito ang mga usapan nila ng kan'yang mga anak kagabi at ito ay naroon para humingi nang tulong. Kahapon kasi ay hindi na nila gaano natanong ang kambal dahil walang pumunta roon na mga social worker dahil busy lahat at inaasikaso ang mga biktima nang nakaraan na bagyo. Si Capt. Manzano ang siyang nirekomenda nang kaibigan ni Erron na general. Mabait ang kapitan and approachable. "Hayaan mo at paiimbestiga ko sa mga tauhan ko ang mga binigay mong information at isa pa, dahil sa narito na ang mga kuha sa CCTV ng mga lugar na sinabi ng kambal ay gusto ko makita mo," Pinakita ni Capt. Manzano ang mga kuha sa ibat-ibang lugar na sinabi ng mga bata pero

