-=m*******e's Point of View=- "Ano Jane? Nakausap mo na ba si Brent?" Muling tanong sa akin ni Sandy nang makapasok na ako sa classroom namin. Tatlong araw na din ang nakakalipas nang makausap ko si Brent, at ipagtapat nga nito sa akin ang totoong nararamdaman para sa akin, at kung paano nito sinubukang gamitin si Sandy para mapalapit sa akin. Sinabi nga sa akin ni Brent na ginawa nito ang mga sweet na bagay kay Sandy sa pag-aakalang baka magselos ako, ngunit kahit kasi noon, at kahit ngayon ay wala talaga akong nararamdaman na espesyal kay Brent, at kung hindi pa dahil kay Sandy ay hindi ko naman ito magiging close. Tatlong araw ko ng tinatago sa dibdib ko ang mabigat na katotohanan na ito, at sa totoo lang ay nagi-guilty na din ako sa pagtatagong ito kay Sandy. Alam ko naman na dese

