She said "Yes" sa proposal sa kanya ni Juls sa taas ng hot air balloon sino va ang hihindi sa proposal ng lalaking minamahal mo. Kaya ito na nagplano kami ng kasal simula noon mag propose ito sa akin at eto na nga tuloy na tuloy na sa kasalan. MAgpapasakal na siya sa akin, Handa na kaya siyang pasakitin ko ang ulo niya palagi?? at handa na din akong magpaalila sa lalaking mahal ko. Naglalakad na ako ngayon sa aisle kasama ang aking am na maghahatid sa akin sa altar, habang naglalakad ako ay pinapatugtug ang kanta ni Ed Sheeran na sumasabay sa bawat hakbang ng magandang bride habag hawak hawak ang braso ng kanyang ama at kanyang Ina, ang simbahan ay may design na mga tulips na kulay pink,red at white.
"I found a love for me, I never believed there was someone waiting for me, I found a woman, beautiful and sweet, she shares my dreams, I hope to share her home, we were children when we fell in love without knowing exactly what love was. ...baby here I am...dancing in the dark, with you in my arms, barefoot on the grass, listening to our song, and suddenly you said "I'm a mess, and in one breath I whispered and you heard me, baby, you're perfect, you shine perfect tonight.
Ang ekspresyon ni Yoshirou ay isang walang katapusang pagmamalakisa kanyang anak. Nang marating nila ang paanan ng altar ay hinawakan niya ang kamay ng kanyang anak at marahang ipinatong ito kay Juls pagkatapos ay sa boses na puno ng emosyon ay sinabi niya.
Juls, anak sa sandaling ito binibigyan kita ng karapatan na alagaan at mahalin ang anak ko, sana protektahan mo siya, tulad ng ginawa namin ng kanyang mommy mula nang siya ay isinilang sa mundong ito, tulad ng nararapat sa kanya, huwag kalimutan na siya ay mahal na mahal namin at dapat ay ganoon ka rin, mahalin mo siya abot ng iyong makakaya at pag pasensiyahan ang ka malditahan bilang asawa niya at sana rin ay wag mo siyang paiiyakin." pagkatapos sabihin iyon ng kanyang ama ay tuluyan ng ibinigay sa kanya ang kamay ni Jheanny.
Ngumiti at tumango si Juls na naantig sa sinabi ng biyenan, niyakap nila ang isa't isa, at pumwesto ito sa tabi ng sexy pa din na kanyang biyanan na babae habang may hawak na panyo ay walang tigil sa pagpupunas ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata, Tears of joy.
Si Jheanny ay napakaganda, siya mismo ang nagdisenyo ng kanyang damit, mahaba ang palda ng kanyang gown sleeveless ito at marami siyang inilagay na mga diamonds, kaya na exposed ang mga balikat niya ang mga manggas. gawa sa isang maselang tela na tugma sa palda at ang belo ay gawa sa mapusyaw na tulle na tila gawa sa ilang liwanag na ulap. Sa kanyang mga kamay ay dala ni Jheanny ang isang palumpon ng mga puting liryo ng lambak. Hindi napigilan ni Juls na ngumiti at hinawakan ang kamay niya.
Habang sinisimulan ng pari ang seremonya, ipinikit ni Jheanny ang kanyang mga mata at naalala niya ang sandaling iyon.
=Flashback=
Naantig siya, the dinner, the hot air balloon rides and proposal...ang panukala, naramdaman ni Jheanny na ang kanyang puso ay puno ng pag-ibig, na sasabog ito anumang oras, gayunpaman, hindi siya nagdalawang-isip kahit isang segundo, niyakap niya ang kanyang mahal na boyfriend sa kanyang mga bisig
Tumayo si Juls, at niyakap din siya ng mahigpit at saka siya mapusok na hinalikan, halos kapusinn ang halos lahat ng kanyang hininga, mahal niya ang babaeng ito sa bawat piraso ng kanyang kaluluwa, buong isip, nang buong pagkatao at ngayon ay natupad na ang pinakahihintay na pangarap.
Ang palakpakan ng kanilang mga kaibigan ang nagpatapos sa kanila mula sa maliit at intimate moments kung saan silang dalawa lang. Tuwang-tuwa si Jheanny nang matuklasan na naroon ang kanyang mga magulang, si Ayesha Marie at ang kanyang kasintahan, gayundin ang kanyang mga mahal na kaibigan noong bata pa, masayang nagdiwang sa kaganapang ito. Alam niya na dahil sa wakas ang anino ng pag-ibig na iyon na labis na nakasakit sa kanya ay nagbigay ng liwanag ng pag-ibig na ipinangako ni Juls para sa kanya, si Jheanny ay malaya siyang mahalin nang masinsinan gaya ng nararapat.
=flashback end=
Isang banayad na paghawak sa kanya ang nagpabalik kay Jheanny sa realidad, napahiya siya sa nangyari at bago siya masayang tumingin kayJuls ay hiniling niyang ulitin ang tanong, ngumiti ang pari at muling sinabi.
_Miss Fugen, tinatanggap mo ba si Mr. Myers bilang iyong asawa at nangangako na mamahalin at igagalang siya, hindi mag entertain ng ibang lalaki at magiging tapat sa kanya sa hirap at ginhawa, sa kalusugan at sakit sa lahat ng mga araw ng kanyang buhay?
Ngumiti si Jheanny kay Juls at tumingin ng dsretso sa mga mata ng kasintahan at buong pananalig na sinabi
"Opo tinatanggap ko po."
"Mr. Myer's, tinatanggap mo ba si Miss Fugen bilang iyong asawa at nangangako na mamahalin at igagalang siya, hindi mag entertain ng iba at magiging tapat sa kanya sa hirap at ginhawa, sa kalusugan at sakit sa lahat ng mga araw ng kanyang buhay?
"It's yes."
bawat isa ay kumuha ng singsing, at hawakan ang kaliwang kamay ng iyong partner gamit ang kabilang kamay at ulitin ang iyong mga panata sa kasal habang inilalagay ang singsing sa kasal
Kinuha ni Juls ang magandang singsing sa kasal, gawa sa platinum, kung saan ang loob nito ay nakaukit ng kanyang pangalan at petsa ng kanyang kasal, nakatingin sa mga mata ni Jheanny habang binibigkas niya ag mgasalitang.
"Sa pamamagitan ng singsing na ito, ibinibigay ko ang aking sarili sa iyo, bilang iyong asawa, ipinapangako kong magiging iyong suporta, iyong tagapagtanggol, iyong tagapayo, at sasamahan ka sa landas ng buhay magpakailanman, nangangako ako ng ganap na katapatan, walang katapusang pagsasaalang-alang at pagmamahal, gagawin ko. sikapin kong magiging masaya ka palagi sa bawat araw na magkasama tayo katulad ng pagpapasaya mo rin sa akin."
Nanunubig ang mga mata ni Jheanny, hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha, hinawakan niya ang kamay ni Juls at nagsimulang mag-recite habang dahan-dahan niyang isinusuot ang singsing sa kaliwang daliri niya.
"Nawa'y tatakpan ng singsing na ito ang aking pangakong mananatili sa tabi mo magpakailanman, nawa'y ito'y maging palaging paalala ng aking lubos na dedikasyon at katapatan, ipinapangako kong maging haligi kung saan nakasalalay ang iyong mga layunin at pag-asa, ipinapangako kong maging kalasag na magpoprotekta sa iyong puso, upang magdala ng labis na kagalakan sa iyong buhay gaya ng ibinigay mo sa akin mula noong nakilala kita baby." pagpapatuloy niya.
siya naman ang magsusuot ng singsing dito.
" Sa pamamagitan ng singaing na ito, Nangangako ako na ako ang magiging bato mo, ang iyong ligtas na kanlungan, at ang iyong tahanan, saan man tayo dalhin ng buhay. Ipinapangako kong palaging magiging pinakamalaking tagahanga mo, ipagdiwang ang iyong mga nagawa, at aliwin ka sa iyong mga pagkatalo. Ako ay palaging magiging iyo kasosyo sa paglikha ng buhay na gusto naming magkasama, upang galugarin ang mga bagong lugar at mga bagong karanasan kasama ka nangako akong mamahalin ka nang walang pasubali, at mamahalin ka hanggang sa kawalang-hanggan."
Nang maisuot na ang mga singsing, itinaas ng pari ang kanyang mga braso at tumayo at nagpalpakan ang mga naroroon.
"Kung ano ang pinagsama ng Diyos, huwag paghiwalayin ng tao, maaari mong halikan ang asawa." sabi ng pari..
Dahan-dahang itinaas ni Juls ang belo na bahagyang tumakip sa magandang mukha ni Jheanny at hinawakan ang mukha na mahal na mahal niya sa mga kamay nito, nag-aalalang tumingin sa malarosas nitong labi at bumulong para marinig niya.
"sa wakas, ako ay iyo, at ikaw ay akin na ngaun, baby ko."
At saka niya hinalikan mga labi nito ang kanilang pagsasama at ang mga pangakong katatapos lang nilang gawin sa harap ng altar. Uulan ng mga petals sa taas habang sila ay naghahalikan at
nag palakpakan ang mga tao at pagakatpos ng halikan nila ay naghanda na lumabas ng simbahan ang mga tao. Tumigil si Jheanny bago bumaba ng hagdan at inihagis ang bouquet na curious na dumapo sa mga kamay ni bernadette ang bulaklak, kinakabahan pa ito hindi agad hinawakan hinayaan lang nito iyon.mahulog at kinuha. Natawa ang mga tao dahil sa naging reaksiyon ni Bernadette. Habag si Ayesha Marie naman ay hinila ang kuwelyo ng suot ni Ashwin para halikan ang nobyo.
"Halatang takot ka sa commitment, Miss Millares." patuyang sabi ni Nylus.
"Well..... hindi masyado noh, at saka magbabayad ka ng mahal para sa kapangahasan ng pagkakait sa isang kinabukasan sa aking tabi."
Habang ninanamnam ni Ayesha Marie ang labi ni Ashwin ay nagmamadaling bumaba ng hagdan sina Jheanny at Juls, naghihintay na ang marangyang itim na Audi ni Juls sa masayang mag-asawa, binuksan ni Juls ang pinto ng sasakyan at tinulungan ang pinakamamahal na asawa na makapasok sa sasakyan, saka pumasok ng sasakyan at sinara nila ang pinto, Umandar na ang sasakyan habang pareho silang nag-wave ng kamay para magpaalam.
Naiwan ang pamilya at mga kaibigan na may ilang mapanglaw dahil tinanggihan ng mag-asawa ang tradisyunal na salu-salo sa kasal na sa halip ay umalis kaagad sila pagkatapos ng seremonya. Habang papunta sa airport, hindi napigilan ni Juls na tingnan ang singsing sa daliri niya, hindi siya makapaniwala na ang babaeng pinapangarap niya ay asawa na niya, at buong buhay niya itong nasa tabi niya, marahan niyang hinawakan sa mukha si Jheanny at hinalikan ito ng matagal.
Sa gitna ng mga buntong-hininga at excitement, huminto ang sasakyan sa airport, binuksan ng driver ang pinto at bumaba si Juls sa sasakyan, iniabot ang kamay kay Jheanny para alalayan itong makalabas habang iniaabot naman ng driver ang mga bagahe ng bagong kasal sa flight attendant.
Napanganga si Jheanny aakyat na sana siya ng hagdan nang buhatin siya ni Juls sa kanyang mga braso.
"Hindi ma'am, tatawid ka sa unang threshold gaya ng idinidikta ng tradisyon: sa bisig ko ikaw mamalagi ako ang mag aakyat sayo.
Ngumiti si Jheanny.
"Hindi mo pa rin sinabi sa akin kung saan tayo pupunta."
Amused na kumindat si Juls sa asawa.
"Sa kung saan tayo dapat ay mag honeymoon para makabuo ng little Juls and little Jheanny."
Ngumiti ulit si Jheanny sa sinabi ng kanyang asawa.
"I love you, Baby." masaya siya tinignan ni Juls at saka pinaupo sa upuan ng private jet ni Juls.
"W-well mag i love you too din ba ako?" nagbibirong tanong nito sa kanyang asawa at saka ito kinindatan.
"Aba, siyempre..!" mejo inis na sabi ni Jheanny.
"Akala ko kasi, hindi na pero sige baby.. ILU." Ano ang ibig sabhin ng ILU?"
"Magseat belt ka muna at mag take out na ang eroplano, Baby."
Agad na nag seat belt si Jheanny..At kinulit ulit si Juls..
Kinutusan niya ang asawa sa noo sabay tawa.
"Hina mo talaga pagdating sa ganoon baby, ILU.. Meaning AISHITERU.
あなたは*の*です( You are my love)
*の** (My life) and **に (Forever)
FINALE