Napangiti si Joy habag nasa labas siya ng silid ni Jheanny, sapagkat alam niya na ang kanyang mahal na pinsan ay nakatagpo na ng tunay na nagmamahal sa kanya sa wakas isang tunay, na pag ibig at wagas na kaligayahan sa taong hindi kailanman siya ay sasaktan, unlike her ex fiance na si Jc, nagpasya siyang hanapin si Ayesha Marie at ayain itong manood ng isang pelikula nang magkasama, naglakad siya sa kahabaan ng koridor at biglang huminto nang halos marating na niya ang hagdan dahil may narinig siyang bulungan.
Maingat siyang naglakad pabalik ng ilang hakbang sa kinaroroonan nito at sumandal sa pader para mas marinig ang tinig ni Jhayline, tila may kausap sa Cellphone nito.
"Alam mo wala kang ideya kung gaano nakaka-irita ang makita na sobrang taas noo ang aking kapatid na si Jheanny ngaun, pinagyayabang ang kanyang nobyo, na walang iba kundi si Juls, ang lalaking matagal ko na talagang gusto... Alam ko... ... hindi madaling kumbinsihin si Jc na i-cancel ang kasal, ginamit ko lahat ng charms ko para piliin niya ako, tapos ngayon ang tangang babaeng ito ay nagpapakita sa lalaking gusto ko talaga...anong gagawin ko? Ang lagi kong ginagawa, ipaglaban mo ang gusto ko, sa ngayon sumagi sa isip ko na gawan sila ng kuwento sa pagitan nila ni Jc para madismaya at iwanan siya ng gwapong si Juls...pero syempre delikado, lalo na't ang mga buwisit kong pinsan ay nandito rin ngaun, anyway tatawagan nalang kita bukas, mamayang gabi kailangan kong magplano ng mabuti kung ano ang gagawin kong hakbag para mapaghiwalay ko ang dalawa.
Natigilan si Joy sa kanyang narinig, grabe na talaga ang ugali ni Jhayline, isang malupit, maldita at walang puso, hindi maipaliwanag ang galit na kanyang nararamdaman, nang naglakad si Jhayline patungo sa direkyon niya ay nakita niya si Joy, umakto lang itong parang walang nangyari. At binati pa siya nito.
"Hello dear, sa tingin ko ay meron dapat tayong pag uusapan, Marami tayong pag-uusapan.
Halos hindi pa natatapos ang sasabihin ni Jhayline, ay isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang pisngi, na nagpatumba sa kanya ng malakas sa sahig. Napamulagat si Jhayline ng kanyang mga mata, hinawakan ang kanyang pisngi na ngayon ay galit na nakatingin kay Joy at may pagtataka sa kanyang mukha.
"Paano mo nagawa ito???? How dare you mess with your sister's boyfriend??? Wala ka bang moral Jhayline ???? Ano ba ang problema mo??? Kapatid mo si Jheanny bakit lahat yata ng kay Jheanny ay gusto mong mapunta sayo?"😂
Siya ay mukhang nalilito, sa mga sinasabi sa kanya ni Joy ngayon at hindi alam ang sasabihin pero kalaunan ay sumagot din ito sa paratang ni Joy.
"Natawa naman ako sayo couz, hindi ko alam ang sinasabi mo." Tanggi nito.
"Wag kana mag maang maangan pa dahil narinig ko lahat nang mga sinabi mo sa iyong kausap at .....alam na alam ko ang ginawa mo, at ngayon malalaman na ng lahat sa pamilya kung anong uri kang tao...Hindi ako makapaniwala na ganyan ka kadesperada Jhayline.
Tumalikod si Joy para iwan siya ngunit hinawakan ni Jhayline ang kanyang braso, nakatingin sa kanya na may nagkukunwaring malungkot.
"Please!!! Joy teka...pakiusap ko, wag mong sasabihin kay Jheanny kung malalaman niya ito ay siguradong hindi na iyon tutuloy pa."
"Huwag mo nga akong hawakan!!!! Ngayon nag-aalala ka kay Jheanny meron ka pala niyan??? Ikaw na walang ginawa kundi manggulo, ang mga luhang iyon ay mas huwad kaysa sa alahas na iyong suot, umalis ka sa aking paningin kung ayaw mong wakasan kita.
Nagalit Jhayline, hindi niya hahayaang magsumbong si Joy kay Jheanny at Juls ayaw niyang masira ang plano niya dahil dito, dala ng galit ay tumayo siya at may nakaka lokong ngiti sa.Kanyang labi at saka niya sinabi niya kay Joy.
"Hindi mahal kong pinsan, ako ang p4p4tay sayo."
Buong lakas niyang itinulak si Joy kaya nawalan ito ng balanse at tuloy tuloy na nahulog sa hagdan. Ang lakas ng pagkahulog niya kaya agad na nagtago si Jhayline sa kanyang kwarto sa kabilang side ng hallway.
May narinig si Ayesha Marie na malakas na ingay sa labas kaya kaagad na pinuntahan, kung saan galing ang ingay at alamin kung ano ang nangyari. Nang makita niya ang kanyang pinsan na nakahiga sa sahig, ay mabilis siyang tumakbo palapit dito
"Help, Help please!!!! TUMAWAG KAYO NG AMBULANCE PLEASE!!!!
Sina Jheanny at Juls, ay mabilis na lumabas ng silid para alamin kung aong nangyari.
"Omg,!!!!! Anong nangyari sa kanya???? tanong ni Jheanny.
"Nahulog yata siya sa hagdan, tulungan mo akong buhatin siya, dadalhin namin siya sa ospital!!!!
"Don't worry, I'll take her, bahala na kayong magpaliwanag sa Mr. and Mrs. Fugen kung anong nangyari," ani ni Juls kay Ayesha Marie.
Nagmamadaling umalis sina Juls at Jheanny para dalhin si Joy sa ospital buhat ni Juls ang pinsan kanyang mga bisig, sumasalungat ang oras sa kanila, samantala si Ayesha Marie naman ay umakyat upang hanapin ang kanyang mga tiyuhin at tiyahin sa ikatlong palapag ngunit nang makarating siya sa tuktok ng hagdan sa unang palapag, nakita niya. may kumikinang sa sahig, napatigil siya sa pag-intriga upang kunin ito at sa kanyang pagtataka ay ito ay isang hilo na may itim na kristal na hugis gasuklay na buwan, galit na pumunta siya sa silid ni Jhayline at paulit-ulit na hinampas ang pinto.
Jhayline, Jhayline!!!! BUKSAN MO NA NGA ANG PINTO......
Samantalang nasa loob si Jhayline habang nakaupo sa couch ay kinakabahan na nakatakip ang kanyang mga tainga.
"Listen to me, Baliw kana talaga ano bang problema mo!, Alam na alam kong ikaw ang may gawa noon kay Joy kapag may nangyaring masama kay Joy, ay sisiguraduhin kong magbabayad ka, at paparusahan kita ibabalik ko ang ginawa mo sayo!!!!
Nang mapagtanto niya na tahimik na ang hallway, wala na yata si Ayesha Marie balisa si Jhayline hindi niya alam ang gagawin, nilagay niya ang mga kamay niya sa mukha at dibdib niya at biglang naramdaman na nawawala ang isa niyang pins, na shock siya sa gulat, bumalik siya sa lugar ng pinangyarihan para hanapin ito pero hindi niya makita, masyado ng nagiging komplikado ang lahat, kung nalaman ng mga magulang niya na siya ang may pananagutan sa nangyari kay Joy....hindi, kailangan niyang mag-isip ng mabilis at alisin ang lahat ng ebidensyang makikita at magtuturo sa kanya.
Tumakbo si Jhayline sa kinaroroonan ng mga guards at para magpatulong na hanapin ang pin niyang nawawala kanina lang.
Sa parehong mga sandaling iyon ay dumating si Juls at Jheanny sa hospital kasama si Joy, agad silang tinulungan ng kga nurse at doctor at dinala sa emergency room at pagkatapos ay nirevive ng medical team si Joy upang maisalba ang kanyang buhay sa labas ng emergency rooom nakaupo si Jheanny at Juls habang naghihintay ng balita, makalipas ang ilang minuto ay lumitaw si Ayesha Marie sa hospital na may pag aalala.
"Couz, anong balita? Kamusta siya? Ano ang sinabi ng mga doktor?"
"wala pang balita about kay Joy couz, kasalukuyan pa din siyang nirerevive. ngunit tila napaka-brutal ng pagkakahulog niya sa hagdan dahil habag nirerevive siya ng mga nurse at doctor ay nag-convulse siya ng ilang beses.
Masyadong apektado sina Ayesha Marie at Jheanny, ang gusto lang nila ay makalabas ng ligtas si Joy sa pangyayaring iyon, magkayakap silang dalawa, magkahawak kamay at sinabihan ang isa't isa na magiging maayos din ang lahat, hindi sila iniwan ni Juls kahit isang segundo kasama nila itong nagbabantay sa hospital.
"Ayesha Marie, nagpaalam ka ba kay mommy, Daddy at Jhayline na pupunta ka dito?
"Couz...I didn't think it was wise to say anything to my uncles, hindi pa masyadong maayos ang pakiramdam ni tita pagkatapos ng party. Tumango si Jheanny naintindihan niya ang mga dahilan ni Ayesha Marie para itago ang mga nangyari ngayong gabi at hindi ipagsabi, biglang may lumabas na doktor mula sa imaging wing.
"Miss Ayesha Marie Magtanggol?"
Biglang tumayo ito, at excited na malaman ag ibabalita ng doctor tungkol sa kalagayan ni Joy.
"yes doc, ako po iyon."
"Halika ka Samahan mo ako."
"doctor anong meron??? Bakit wala silang sinasabi sa amin???? "She's fine," nag-aalalang sabi ni Jheanny."
Nakatingin lang sa kanya ang doktor at sa mukha nito ay lubos na nababasa ni Jheanny ang kanyang pag-aalala, at hindi iyon maganda, bumalik siya sa kinauupuan kanina para yakapin si Juls at hinalikan naman nito ang kanyang noo at pilit na pinapakalma ito.
Sa tomography room naroon nga, si Joy at nasa isang stretcher, nagawa na nila ang pag-scan at pinag-aaralan ang mga resulta. Napakalakas ng pagkabagsak na nagdulot ng pagkabigla at pagdurugo sa kanyang ulo. Kinailangan nilang operahan ito habang lumilipas nang oras, gayunpaman, ang pagkakataon na siya ay lumaban ay halos wala, hiniling niyang makita si Ayesha Marie.
"Couz, andito na ako oh, wag kang matakot mahal, magiging okay din ang lahat? magiging maayos din ang lahat.
"Couz...it...listen to me...si Jhayline..she.....you have to protect Jheanny.... Jhayline plans.....plans to separate her with Juls....Like what she did to Jhon- jhon crelick kaya...kailangan mo siyang protektahan......at any cost ikaw na ang bahala." nahihirapan na sabi nito.
"Okay Couz I promise you, but you have to promise me that you will be fine, that you will get out of here, please..Couz magpagaling ka." Naaawa at naiiyak na sabi nito kay Joy pero bigla bigla na lang na bumilis ang vital signs ni Joy at sinubukan ng mga doktor na patatagin siya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga gamot, pero tumingin at ngumiti lang ito kay Ayesha Marie, pagkatapos ay hinawaka ang kamay ng pinsan.
"wag na wag mo siyang iiwan, couz."
"No, please wag kang aalis please, solid tayo di ba? wag mo kaming iiwan couz, hindi ako pumapayag na iwan mo kami!!! naluluhang pahayag ni Ayesha Marie sa pinsan.
"Wag kang malungkot couz, wag kayong malulungkot. Si Juls ang papalit sa akin at makakasama niyo sa lahat ng oras." Couz alam ko na kung sino ang may gaw nito sayo.. si Jhayline na naman diba.....???? Tell me..... tinulak ka ba niya???
Pinunasan niya ang luha ni Joy ang kanyang magandang porselana na kutis ni pakiramdam ni Ayesha Marie ay nawawalan siya ng bahagi ng kanyang puso, si Joy ay kanyang pinsan, kanyang kaibigan ang kanyang karamay sa lahat tulad ni Jheanny ay isang mahalagang bahagi ng kanyang buhay at ang pagkawala nito ay isang mapangwasak na dagok para sa kanya.
"Answer me couz.. tell me... was that damn thing? ano ang dahilan."
Tumango si Joy at inilapit ang kanyang kamay sa mukha ni Ayesha Marie."
"May sasabihin ako couz, about sa true love mo. Makakaharap mo siya at mamahalin ka niya ng lubos."
"No couz please magiging maayos ka, aalis ka dito at mababasa mo ang kapalaran ko, dapat mong sabihin sa akin kung ang lalaking magmamahal sa akin..
Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Joy nakapikit ang kanyang mga mata at nawala ang kanyang mga vital signs, si Ayesha Marie ay bumagsak habang ang mga doktor ay gumagawa ng mga maniobra upang ibalik ang vital signs ni Joy, ngunit hindi na talaga ito naka survive.
"Couz? Couz Huy gumising ka, ano ba Joy!!!!!!!!_ sigaw ni Ayesha Marie naaawa ang mga doctor sa itsura niya habang umiiyak ito dahil sa nangyari.
Ilang minuto ang lumipas, nakita ni Jheanny ang kanyang pinsan na lumabas mula sa tomography room kung saan siya dinala ng doctor kanina para kausapin, puno ng luha ang kanyang mukha, nalungkot ang puso ni Jheanny ang mga luha ni Ayesha Marie ay bumagsak na parang saganang patak ng ulan, naitakip ni Jheanny ang kanyang mga kamay sa kanyang labi at umiling.
"Ayesha Marie, anong nangyari?"
"Couz, wala na ..... wala na siya. Iniwan na tayo ni Joy."Hagulgul nitong sabi kay Jheanny.
Nanginginig si Jheanny sa narinig mula kay Ayesha Marie , ang sakit sa puso, parang tinamaan ito ng kidlat, pakiramdam niya ay unti-unting kumukupas ang mundo sa ilalim ng kanyang mga paa at binalot siya ng kadiliman mula ulo hanggang paa, ang huli niyang nakikita at naririnig ay ang kanyang sariling mga hikbi at ang hikbi rin ni Ayesha Marie.