Chapter 76 Nang halos mahubad na niya ang kanyang abaya ay biglang tumunog ang cellphone ng balbas saradong pulis. Sinagot na muna ng pulis ang kanyang tawag. Dahil Arabic, hindi maintindihan ni Nicole ang usapan pero may mga nakukuha siyang mga salita siyang alam na pwede niyang pagdugtung-dugtungin para makakuha siya ng idea kung ano ang pinag-uusapan ng nakakatakot na pulis at kausap nito sa telepono. Parang sinasabi na kailangan nilang pumuntas sa company pero hindi niya alam kung kaninong company para mag-imbestiga. Sumenyas ang pulis na balbas sarado sa kanyang mga kasama na lumabas na sila na para bang may alam na sila kung saan matatagpuan ang hinahanap nilang pugante. Mabilis na isinuot muli ni Nicole ang kanyang abaya. Pagkalabas ng tatlong arabong pulis ay agad niyang isinara a

