Chapter 81 Ilang gabi din siyang hindi nakatutulog. Natatakot na balikan siya ng mga nagsamantala sa kanya. Nanginginig siya kapag may pumapasok sa kulungan niyang pulis. Para siyang isang basang sisiw na gigilid sa kulungan niya. Nanginginig. Takot na takot. Kahit sa kanyang pagtulog ay hindi pa rin siya tinitigilan ng bangungot na iyon sa kanyang buhay. Paulit-ulit niyang napapanaginipan. Nagigising na lang siyang humihingi ng tulong. Basam-basa sa pawis at naiihi sa kanyang higaan. Kapag nangyari iyon, hindi na siya makatulog pang muli. Uupo siya sa gilid. Nagdadasal na sana matapos na ang lahat. Naglaho na ang babaeng palaban. Hindi na siya yung dating babae na kaya ang lahat. Isa na siya ngayong matatakuting babae. Habang nakaharap silang apat, tumingin sa kanila si Amy na kalbo at

