Dumating ang sumunod na hearing. Naging mainit ang sagutan at tanong namin sa mga kliyente namin. Parehong ayaw magpatalo sa isa't-isa. Mas lalo pa akong nanggigil sa galit sa tuwing nakikita ko kung paano siya landiin ng babaeng abogadong kasama niya. Kung paanong kindatan ng babae si Ashtero na halata namang nagbibigay ng motibo. Ito namang lalaking ito ay kay sarap tirisin. Ang lawak pa ng pagkakangiti sa tuwing kinakausap niya iyong babae. Nakakainis ang mga ngiti niya, ang sarap talaga niyang patamaan ng bala ng baril ko. _ Nang matapos ay ako agad ang unang lumabas sa loob ng court. Kinakausap pa ako ng judge pero hindi ko iyon pinansin, basta ang alam ko mainit ang ulo ko. Imbes na dumiretso sa opisina ay sa isang simpleng restaurant ang bagsak ko. Dahil sa inis na nararamdaman

