Palitan ng putok doon at dito. Kanina pa ako nakalabas ng kweba pero naiwan sila Chokno at Gary. Tumawag ako ng back up dahil kailangan kong harangin ang truck na mag dedeliver ng drugs. Pero ito hanggang sa labas ay nakikipagpalitan pa rin ako ng putok. Talagang ayaw nila akong lubayan. Kinuha ko isang granada sa aking bulsa. Tinanggal ko ang pin nun at inihagis sa mga kalaban. Pagkatapos kung ihagis iyon ay tumakbo naman ako. "Ahhh." Sigaw nila ng sumabog ang granada. Tumakbo ako sa patungong kalsada para maabutan ko ang track pero may humarang na isang babae sa akin pagka apak ko sa hindi sementadong kalsada. May hawak rin itong katana sa kaliwang kamay. Ngumisi pa ito sa akin at itinaas nito ang kanyang kamay tsaka ako hinamon. Kaya hindi na rin ako nagdalawang isip pa at sinu

