Nagising akong masakit ang buong katawan. Lalo na ang pagitan ng mga hita ko. Feeling ko tuloy ay para akong lalagnatin ako. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at doon ay bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kwarto. Hanggang sa mag sink in sa utak ko ang mga kaganapan kagabi. "Oh my god, Oh my god, what have I done?" Wika ko at dali-daling hinanap ng mga mata ko ang bag ko. Nakasuot naman ako ng damit. Agad kung tinawagan ang number ng yaya ng mga bata. "Hello ma'am, bakit hindi po kayo nakauwi kagabi. Buti nalang nakaluto ako at may nakain ang kambal, sabi niyo kasi mag-take kayo ng pagkain. Kagabi pa po kayo nila hinahanap." Agad na bungad sa akin ni Jess. "Pasensya na Jess. May emergency kasing nangyari kaya hindi ako nakauwi. Ang kambal nakapasok na ba sa school nila?" "Opo

