Nabi’s POV "Dad." papasok pa lang sana ako sa venue, malapit na malapit na ako nang makita ko si Dad na palabas. Mukhang balak niya akong hanapin o sundan. Para siyang nakahinga ng maluwag nang makita ko. Kumunot ang noo niya at umakto ng casual. Inayos niya ang sarili niya at tumikhim, pasimple rin ang paglibot niya ng tingin sa paligid kung may nakarinig ba sa pagtawag ko ng Dad sa kaniya. "Let's go inside." "Dad. . " mahinang tawag ko. "Don't call me that." malamig na aniya at naunang pumasok. Ngumuso lang ako upang pigilan ang paglabi ko dahil parang gusto kong umiyak sa sinabi niya at sa malamig na tono niya. Maghihintay lang ako ng ilang minuto bago ko siya susundan. Para hindi halata na kilala niya ako. Para hindi isipin ng mga kalaban niya na associated ako sa kaniya. Na hi

