Nabi's POV Gusto kong tawagan kaagad si Vladimir. Kailangan ko siyang tawagan. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong maliwanagan. At. . . humingi ng tawad at sabihin naintindihan ko na siya ngayon. At nang makauwi na ako ay nagpakiga ako kay Dad sa may office niya. "Hi, Dad." bati ko, nilapitan ko siya at niyakap. "Thank you for today, Dad. Kahit na bitin. . . " nagpapa-cute na pagpapasalamat at pagrereklamo ko habang nakayakap pa rin sa braso niya. Natawa naman ito at ginulo ang buhok ko. "Naintindihan mo naman kung bakit hindi ba?" mahinahon na tanong niya. "Nakangusong tumango ako, "yes po Dad." Kwenento ko sa kaniya ang pinag-usapan namin ng mga kaibigan ko kagaya ng dati kong ginagawa at ang nangyaring pag-amin ng secretary ni Vladimir sa totoong nangyari ang gabing iyon.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


