Nabi Point of View "Pakiramdam ko po. . . ano mang oras mababaliw na ako, Manang." nakasimangot na sabi ko sa ginang habang nakaupo ako sa harapan ng oven at hinihintay na maluto ang cake na binake namin. "Wala akong makausap maliban po sayo. Wala po akong ibang magawa. Kung hindi ko po libangin ang sarili ko ay talaga namang mababaliw na po ako." sabi ko pa at napabuntong hininga. Narinig ko naman ang pagtawa ng ginang. "Pagtiisan mo na lang, Miss Nabi. . . Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit mahigpit sayo ang Daddy mo." "Ilang buwan pa ba ako magtitiis? Dalawang buwan na po akong grounded, Manang eh. . . Hindi pa ba natutunaw ang matigas na puso ni Daddy sa akin? Hindi pa po ba siya naaawa?" Dalawang buwan na akong walang nahahawakang selpon, walang kaibigan na kausap kasi bawal

