"Kailangan na ba natin mag paalam sa kanya Mama." hikbi ni Megan. Nasa labas na ang buong pamilya Montenegro mga pawang ayaw umiyak pero hindi nila mapigilan ang emosyon sa nakikitang sitwasyon ng kapatid na nakaratay sa loob ng kuwarto. 2 years na itong nasa hospital at habang tumatagal mas lalo silang lahat nawawalan ng pag-asa na magigising pa si Blessy. Marami ng nangyari sa pamilya nila dahil sa ginawa ni Klary kaguluhan. "Walang mag papaalam dahil habang tumitibok pa ang puso ng kapatid n'yo mananatili s'yang buhay." "Ma' baka na hihirapan na si Blessy tayo na lang ang nag pipilit na manatili s'ya." hikbi ni Ella. "Kung na sasaktan kayo sa nakikita n'yo sa kapatid n'yo sana maintindihan n'yo rin ang nararamdaman ni Saitan." Wika ni Luxme. "Hindi tayo puwedeng maki-alam sa gusto

