Chapter Seven
SANYA
"KUMAIN na muna tayo," si mama.
Nagbihis na rin ako ng pantulog kong damit matapos kong mag-shower.
"Opo ma," kako habang sinusuklay ang buhok ko.
Nadako naman kay Mon ang isipan ko. Ano naman kaya ang sinabi ni papa sa kanya?
Sana lang ay hindi niyang takutin si Mon. Kawawa naman. Sinungitan ko pa kasi siya kanina. Nako-konsensiya tuloy ako.
Pagkalabas ko ay dumeretso na ako sa kusina ngunit wala pa sa hapag-kainan si papa.
Marahil ay umuwi na rin si Mon. Sana ay nagpasalamat na lang ako kanina.
Kagaya ng dati ay tinulungan ko si mama na maghain. Naglagay rin ako ng mga kubyertos sa mesa habang si Sally naman ay nagsasalin ng tubig sa mga baso.
Nakaugalian na naming tulungan ang aming mga magulang kahit sa pinaka simpleng bagay.
"O siya, umupo na tayo habang hinihintay natin ang inyong ama," si mama.
Natakam ako sa ulam na nakahain. Sinigang na bangus at Pinakbet na Ilocano version. Iyong hindi na ginisa.
Pumasok na si papa sa kusina ngunit nagtaka ako nang makita ang taong nakasunod sa kanya.
Shet, anong ginagawa niya rito? Teka, 'yong multong ngisi sa labi niya, does it mean, okay na sila ni papa?
Gosh. Ano naman kayang sinabi niya kay papa bakit tila ba close na sila agad?
Lagi nga kaming sinasabihan ni papa na bawal ang manliligaw sa bahay tapos siya pa itong nagyaya kay Mon na mag-dinner dito?
Naloloka ako rito kay papa. Kanina lang ay masama ang tingin niya kay Mon, ngayon, tila ba walang tension kanina.
Mabilis kong kinuha ang basong may tubig saka iyon nilagok.
Nauhaw yata ako kaiisip sa kung paano iyon nangyari. Teka, what if isumbong ako ni Mon na may manliligaw ako sa school? Gosh, ayaw ko na makarinig pa ng sermon.
Umupo si papa sa tabi ni mama habang habang si Mon naman ay umupo sa tapat ko. Dios ko, nauuhaw na naman ako.
Yung ngiti niyang nagsasabing "lagot ka sa akin".
Yumuko na lang ako. Iniwasan kong magtagpo ang aming mga mata dahil pakiramdam ko ay lalong lumalakas ang kuryenteng namumuo sa pagitan namin.
Nagsimula na akong kumain.
Siniko ako ni Sally sa tagiliran kaya natigilan ako, "Bakit?"
"Ang pogi niya noh?" pasimpleng bulong niya sa akin.
"Hindi naman eh," sagot ko.
"Ah basta, bet ko siya,"
"Ang bata mo pa para lumandi, Sally. Gusto mo bang isumbong kita kila mama?" naiinis kong wika sa kapatid ko sa gitna ng kwentuhan nina mama, papa at Mon.
Naagaw nila ang atensiyon naming magkapatid nang magsalita si papa. Tila ba napalitan ng seryosong tensiyon ang paligid.
"Oo nga Sandy. Ang dapat ay makapagtapos muna itong dalawa bago sila magpaligaw. Mahirap ang buhay lalo na kung hindi ka nakapagtapos sa pag-aaral," umiral na naman ang pagiging istrikto ni mama.
Sumagot si papa, "Pareho naman tayo ng gusto Hilda. Sana ay makahanap sila ng maayos na trabaho balang araw at matinong mapapangasawa katulad ni Ramon."
Nabulunan ako sa sinabi ni papa. Napaka advance mag-isip. Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko dahil sa hiya.
"Ayos ka lang, Sanya?" si mama.
"Ahh, opo," ako.
Inubos kong muli ang tubig sa baso ko. Napansin ko ang multong ngiti sa labi si Mon. Halatang nag eenjoy siyang makita akong naha-hot seat.
Nang makitang abala sina mama at papa sa kwentuhan ay sinamaan ko ng tingin si Mon.
Confident lang siyang ngumiti saka kumindat. Mabilis kong binaling ang paningin ko kila mama at papa sa takot na baka nahuli nila kami.
Bakit gano'n? Bakit pakiramdam ko ay boto si papa kay Mon?
NATAPOS na kaming kumain kaya nagtungo na ako sa kwarto ko dahil hiyang-hiya ako.
Mabuti na lang at si Sally ang naka schedule sa paghuhugas ng mga kubyertos kaya mabilis akong nakawala sa mga mata ni Mon.
Narinig kong nagpaalam na rin siya sa mga magulang ko at nagpasalamat din bago umuwi.
Sa gabing iyon ay hindi ako nakatulog nang maayos kaya nagbasa na lang ako ng notes ko hanggang sa dalawin ako ng antok bandang alas dos ng umaga.
TODAY is Saturday. Naalala kong wala pala akong pasok dahil sa susunod na Sabado pa ang schedule namin ni Cindy sa pagre-report.
Umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko sa ibabaw ng study table ko kaya mabilis kong nilapitan iyon habang humihikab pa.
"Good morning, beshy! I just want to remind you that, may agenda tayo today," maarteng wika niya.
"Anong agenda na naman 'yan?" tinatamad kong tanong.
"Don't tell me na nakalimutan mo na, beshy? Di ba nga, darating si kuya Reese today. Alam mo namang hindi kami close,"
"Oo nga pala. Kaso, tinatamad ako beshy,"
"Ay, ay, ay! No, come here please! Please beshy. Ikaw rin, marami pa naman akong pinaorder na street foods kay manang Karmen,"
Natawa ako, "Gaga, ang aga pa! Pero oo na nga, pupunta ako. Swerte mo, marupok ako sa pagkain."
"Yes, naman! Ikaw lang naman kasi ang bestfriend ko eh, kaya no choice ka," saad niya pa.
"Oo nga pala. Saktong sabay na tayong mag-review mamaya. Baka may quiz na naman tayo bukas,"
"Oo nga pala beshy no?"
"Sige na, bye na. Kagigising ko lang eh," tumayo ako saka hinawi ang kurtina sa kwarto ko. Mataas na ang sinag ng araw.
Ngunit natigilan ako nang makita ang isang lalaking naglalakad palapit sa bahay.
Nakasuot siya ng farmer's hat at nakasuot din siya ng lumang damit.
May butas pa ang suot niyang faded jeans ngunit ang tindig niya ay deretso at animo'y isang kahoy na matibay. Machong-macho ang dating niya.
Teka, sino naman kaya siya? Ngayon lang ako nakakita ng magsasaka na malakas ang dating. Mukha ring fresh.
Napansin kong sinalubong siya ni papa. Baka nga kaibigan ni papa ito at sabay silang pupunta sa bukid.
Tinanggal ng lalaking iyon ang kanyang sumbrero at tila ba lumuwa ang mga mata ko sa gulat nang matuklasan kung sino iyon.
Si Ramon Malaya. Hindi ko lubos akalain na ang lalaking kinaiinasan ko ay siyang pinagpapantasyahan ko pala kanina.
Inaamin kong attractive siya even before. Ngunit hindi ko aakalaing may mas ikalilitaw pa pala ang ka-gwapuhan niya.
Mabilis akong nagtago sa kurtina nang bumaling siya sa bintana ng kwarto ko.
Sana lang ay hindi niya ako nakita. Pero I'm sure nakita na ako! But it's okay, madali lang naman magpanggap.
Hindi na ako nagsuklay pa bago lumabas sa kwarto ko. Mamaya na lang pagkatapos kong mag-almusal dahil maliligo naman ako mamaya.
Kagaya ng dati ay nasa garden na naman si mama. Siguro ay namimitas na siya ng bunga ng mga gulay tulad ng kamatis, talong at kalabasa dahil mabenta naman iyon sa aming talipapa na nasa harap lang ng bahay.
Nakahanda na ang almusal ngunit hindi pa iyon nababawasan.
Naka-isang subo pa lang ako nang marinig ang papalapit na yabag at tawanan nila papa at Ramon.
Akmang tatayo na ako para magtago at umiwas sa kanila ngunit huli na ang lahat dahil nasa kusina na sila.
"Magandang umaga," bati ni Mon sa akin.
Tumango ako nang hindi man lang siya binalingan.
Pinagsisisihan kong hindi man lang naghilamos o nagsuklay dahil narito na ang lalaking kung makangisi ay wagas.
Nakisabay na rin siya sa pagkain. Hindi na ako umimik pa.
"Tanggalin na muna natin mamaya ang mga d**o bago tayo mag-abono," rinig kong sabi ni papa kay Mon.
Hindi na ako nakisawsaw pa sa usapan nila kahit na gusto kong sabihin kay papa na magpapahatid ako kila Cindy.
Maghahanap na lang ako ng tricycle. Mahal kasi ang pamasahe kung hanggang doon kila Cindy kaya nasasayangan ako sa pera.
Bumaling sa akin si papa.
"Ikaw anak, may lakad ka ba? Kung wala ay sumama ka sa amin upang ipagluto mo kami doon sa bukid ng tanghalian namin. Marami kasi kaming gagawin nitong si Mon," may kalayuan kasi ang bukid namin.
May kubo naman doon. Doon kami nagluluto kapag pumupunta kami para tumulong kahit papaano.
"Ahh, pa, may gagawin sana kami ni Cindy eh. Magre-review sana kami sa kanila dahil kompleto ang libro niya,"
"Kung gano'n ay si Sally na lang,"
"Kung pwede ay magpapahatid sana ako sa bahay nila, pa," ako.
"Naku, aayusin ko pa mamaya ang mga dadalhin naming abono, Sanya," sagot ni papa.
"Kung gano'n ay magta-tricycle na lang po ako,"
Tumikhim si Mon bago nagsalita, "Pwede namang ako na lang po muna ang maghahatid sa kanya, Mang Sandy."
"Ayos lang ba, hijo? Malapit lang naman ang bahay ng kaibigan nitong si Sanya,"
Alam ni papa dahil siya lagi ang naghahatid sa akin kila Cindy.
"Naku, huwag na. Kaya ko na. Maghahanap na lang ako ng tricycle," ako.
Iniiwasan ko siya pero mas lalong pinapalapit kami ng pagkakataon.
"Huwag ka nang mahiya, Sanya. Magbihis ka na mamaya," si papa.
Wala na akong nagawa pa kundi magpahatid na lang kay Mon.
Nanghihinayang lang ako dahil si Sally ang sasama sa kanila sa bukid lalo na't alam kong gusto siya ni Sally.
Tinatamad na akong pumunta kila Cindy dahil sa naisip. Ngunit bago pa ako mabaliw kaiisip sa kung anong mangyayari sa bukid mamaya ay naligo na lang ako at nagbihis dahil pupunta ako sa bahay nila Cindy.
SUOT ko ngayon ang ripped jeans at puting v-neck shirt ko habang nakasabit sa balikat ko ang bag ko na naglalaman ng reading materials.
Pagkalabas ko pa lang sa pinto ng bahay ay namataan ko ang nanlilisik na mga mata ni Mon sa aking suot lalong lalo na sa aking ripped jeans.
Hindi ko siya pinansin at dere-deretso lang ako palabas sa bahay.
May motor naman kami kaya iyon ang gagamitin ni Mon para ihatid ako kila Cindy.
Narinig ko ang buntong hininga ni Mon sa likod ko at nilapitan na niya ang motor namin para paandarin.
"Doon na kita hihintayin," saad ko saka tinuro ang kalsada. Dalawampung metro lang naman ang layo ng bahay sa kalsada.
"Dito ka na sumakay," ewan ko kung bakit ma-autoridad ang kanyang boses. Kanina lang ay mapaglaro.
"No, doon na kita hihintayin," pagmamatigas ko at nagmartsa na palabas.
Ayaw kong magpapaka bossy na lang siya sa akin. Ako pa rin ang masusunod.
Pinaandar na niya ang motor at ilang sandali pa ay inilabas na niya ito at huminto siya sa tapat ko.
Masungit ang kanyang mukha ngunit hindi ko na lang iyon pinansin.
"Sakay na,"
"Hindi mo na kailangang sabihin dahil alam ko naman," ako.
"Tsk,"
"Tsk, tsk, mo mukha mo," bulong ko.
"Anong sabi mo?"
"Wala," kako saka tumagilid ng upo sa motor ngunit sinaway niya ako.
"Kapag sasakay ka, ibuka mo 'yang hita mo nang maka siguro tayo,"
Bakit ang halay ng dating sa akin?
Anong ire-react ko?
Gising Sanya! Huwag kang malandi!
End of chapter 7.