Chapter Twenty Five SANYA "GANO'N pala ma-in love ang manyak," wika ko at natawa naman siya. "Joke ko lang iyon mahal. Ito na, seryoso na," huminga pa siya nang malalim at animo'y may pa-secret reveal ang damuho. "Nalaman kong umiibig na ako sa iyo noong una pa lang kitang makitang umakyat sa bus. At araw araw ay ginaganahan akong pumasok sa trabaho dahil alam kong makikita na naman kita," Tumalon ang puso ko sa kanyang sinabi. "Gustong-gusto kong makita kang nakangiti ngunit malimit lang kitang masilayan sa ganoong ayos dahil napaka sungit mo. Kaya sa tuwing umaangrakada ang bus ay bumabato ako ng mga biro sa mga pasahero dahil nagbabakasakali akong mapangiti kita ngunit maraming beses din akong nabigo," Napapansin ko rin siya noon ngunit ayaw ko sa ideyang pinapasaya niya ang iban

