Chapter Forty Seven SANYA "ANO iyon, Sanya?" Mariing sabi ni Mon. "Tang…ina… sabihin mo na! Mukha na akong tanga kakaisip kung ano iyon at lalo akong nagmumukhang tanga dahil wala akong kaalam-alam… nalilito na ako," nilakumos niya ang kanyang mukha gamit ang sarili palad saka muling nagsalita. "Magsalita ka na, Sanya, pakiusap..." "Sa-sagutin mo muna ako…" panimula ko. "N-naging kayo ba habang wala ako? M-madalas ba kayong magkita at maghalikan? May namamagitan ba sa inyo? Please tell me the truth," pinalis ko ang tumulong luha sa aking pisngi. "Tang…ina… Sanya, hanggang ngayon ay wala ka pa ring tiwala sa akin?" May bahid ng sakit ang kanyang boses. "Walang ano man ang namamagitan sa amin at kailanman ay hindi ako nagkagusto ako sa kapatid mo. Wala akong balak na pagtaksilan ka,

