------ ***Alexander’s POV*** - Pero imbes na komprontahin niya ako sa mga narinig niya—na sana’y naging pagkakataon na rin para mailabas namin pareho ang totoong nararamdaman—iba ang naging desisyon niya. Hindi siya lumapit. Hindi siya nagsalita. At hindi niya ako hinarap. Imbes na ang naisip kong pakikipag-usap o kahit pagtatalo man lang, natagpuan ko na lang siya sa isang bar—nakikipag-inuman. At ang mas masakit pa roon? Kasama niya si Lukas. Habang patuloy siyang umiinom, kita sa bawat kilos niya ang desperasyong itinatago sa likod ng katahimikang pinili niya. Pero bago pa siya makainom muli, bigla na lang nanlaki ang mga mata niya. Paano naman hindi? Inagaw ko ang basong hawak niya, ang basong punong-puno ng alak na para bang iyon ang tanging kanlungan niya sa mga sandaling iyon.

