-------- ***Lhea’s POV*** - Napanganga ako sa matinding pagkagulat. May sakit ba si Megan sa pag-iisip? Para siyang baliw sa kanyang mga sinasabi! Hindi ko lubos maisip kung paano niya nagagawang magsinungaling nang walang pag-aalinlangan, at mas kabaliwan kung maniwala si Elixir kay Megan. Sa loob ng dalawang taon kong pagiging sekretarya ni Elixir, hindi ko kailanman pinabayaan ang trabaho ko. Alam niya kung gaano ko ito pinahahalagahan. Hindi ko kailanman ginawa ang kahit anong bagay na maaaring magdulot ng problema sa kumpanya, lalo na ang pagsira ng mahahalagang dokumento. At isa pa, wala akong dahilan para mainggit kay Megan. Halata naman na mas lamang ako sa kanya sa maraming aspeto. Wala din akong problema sa pag- iisip tulad niya, problema lang sa puso meron ako. Pero ang s

