------ ***Stacey’s POV*** - Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay matapos din ang dinner naming iyon. Agad kaming nagpaalam kina Mommy at Daddy pagkatapos ng hapunan. Si Mommy—pakiramdam ko ay gusto niya si Alexander. Malambing ang ngiti niya habang kausap ito, at ilang beses ko siyang nahuling palihim na pinagmamasdan si Alexander, na para bang sinusukat ang pagkatao ng lalaki sa tabi ko. Samantalang si Daddy naman, tahimik lang buong oras. Hindi siya nagkomento nang sobra, ni hindi rin nagpapakita ng labis na emosyon. Para siyang obserbador sa isang silent film—matamang nakikinig, tinitingnan ang bawat galaw, pero walang sinasabi. Alam kong binabasa niya si Alexander. At ako naman, pakiramdam ko buong gabi akong nakipagdigma—hindi sa pamamagitan ng baril o suntok, kundi ng mga

