------ ***Stacey's POV*** - Masakit. Para akong tinuhog ng karayom sa bawat sulok ng puso ko. Pero hindi ako nagpatalo. Tumayo akong tuwid—mataas ang noo, balikat na diretso, pilit pinananatili ang tikas ko kahit pakiramdam ko'y unti-unti na akong gumuho sa loob. Para akong tore na pinupulbos ng bagyo sa kalagitnaan ng katahimikan. Hindi niya kailangang makita ang kahinaan ko. Hindi niya kailangang marinig ang sigaw ng damdamin kong pilit kong ikinukubli. Wala siyang dapat makita kundi ang malamig kong tingin at matatag kong postura. Dahil kung may makita man siyang kahit isang lamat, isang piraso ng sakit na sinubukan kong itago—baka gamitin niya iyon para tuluyan na akong durugin. Tuloy- tuloy ang tawa ko bago ako magsalita. “Hurt? That’s ridiculous, Alexander,” matatag kong sago

