C6: Pagpapapili

2308 Words
------ ***Lhea's POV*** - "Talagang pamilyar siya sa inyo, Abuelo, dahil siya ang aking sekretarya," mahinahong paliwanag ni Elixir sa kanyang lolo. Nakahinga ako nang maluwag sa kanyang sinabi, ngunit hindi pa rin nawala ang kaba sa aking dibdib. Muling ibinaling ng matanda ang kanyang tingin sa akin bago ito muling inilipat kay Elixir. "Ano? Isang hamak na sekretarya lamang ang pinakasalan mo? Ni hindi mo man lang piniling magpakasal sa isang babae mula sa isang mabuting pamilya?" mariing tanong ni Don Alfonso, kita sa kanyang mukha ang pagkadismaya. Hindi ko napigilan ang sarili kong sumagot. "Mabuti naman po ang pamilya ko. Totoo pong salat kami sa yaman, pero mabubuti po ang aking mga magulang." Bagaman hindi ito ang buong katotohanan, mahalaga para sa akin na ipagtanggol ang pamilyang pinalabas kong akin—ang pamilya ng pinakamamahal kong yaya. Lumaki akong malapit sa kanila, at itinuring nila akong tunay na bahagi ng kanilang buhay, ganun din ako sa kanila. Kaya hindi ko kayang hayaang maliitin o insultuhin sila ninuman. Napatitig sa akin si Don Alfonso, at sa kanyang mga mata ay unti-unting naglaho ang galit na kanina'y nag-aalab. Ngunit sa halip na lumambot, ang kanyang tono ay nanatiling matigas at malamig. "Sinasagot mo ba ako, ija?" matigas niyang tanong. "Gusto ko lang ipaalala sa iyo na ang isang hamak na sekretarya tulad mo ay walang karapatan na mapabilang sa aming pamilya. Idagdag mo pa ang ugali mong hindi marunong rumespeto sa nakatatanda." Napalunok ako, hindi alam kung ano ang isasagot. Hindi ko inasahang si Don Alfonso ay isa rin palang mapanuri at mapanghusgang tao. Hindi tulad ng aking lolo Samuel, na kailanman ay hindi naging matapobre. Bumaling ang matanda kay Elixir, at sa kanyang mukha ay malinaw na mababakas ang matinding pagkadismaya. "Ito ba ang babaeng ipinagmamalaki mo sa akin, Elixir?" malamig niyang tanong, puno ng panghuhusga ang kanyang tinig. "Ito ba ang babaeng pinili mong pakasalan kaysa kay Cathleya Montreal? Isang babae na hindi lang hamak ang estado sa buhay kundi wala pang breeding! Isa siyang basura, Elixir! Talagang nababaliw ka na ba?" Mariin akong napakuyom ng kamao habang pinipilit pigilan ang nanginginig kong katawan dahil sa matinding emosyon. Gusto kong sumigaw, gusto kong patigilin sila sa kanilang pinag-uusapan, ngunit wala akong magawa kundi lunukin ang sakit at galit na bumalot sa aking puso. "Abuelo, hindi ko mahal si Cathleya," mariing sagot ni Elixir, hindi natinag sa galit ng kanyang lolo. "Hinding-hindi ko pakakasalan ang isang babaeng hindi ko minamahal." Napapikit ako at pilit na kinakalma ang sarili. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang pang-aalipusta ni Don Alfonso sa akin bilang si Lhea o ang hayagang pagsasabi ni Elixir na hindi niya mahal si Cathleya--- na siyang tunay na ako? No matter how I looked at it, their words cut deep into my heart. It felt like a sharp knife had split it in half, leaving me wounded and defenseless. "Alam mo ba kung anong maitutulong ng pagpapakasal mo kay Cathleya sa negosyo natin?" muling binalingan si Don Alfonso kay Elixir, halatang nawawalan na ito ng pasensya. "You're absolutely foolish! You gave up a precious diamond only to settle for something as worthless as tarnished bronze!" Hindi ko inaasahan ang ganitong klaseng panghuhusga mula sa isang taong tulad ni Don Alfonso, pero ngayon ay malinaw na malinaw na sa akin ang tunay niyang intensyon. Gusto lang niya ako para kay Elixir dahil sa pangalan at impluwensya na dala ang aking pangalan bilang si Cathleya Saavedra Montreal. Isang kasangkapan lamang ako sa kanyang paningin, isang daan upang palakasin ang kanilang negosyo. "Wala ka nang magagawa, Abuelo," matigas na sagot ni Elixir, walang bahid ng pagsisisi sa kanyang tinig. "Kasal na kami, at sana, huwag mo na akong kulitin pa tungkol dito." Hinawakan niya ang kamay ko, at sa kanyang haplos ay agad kong naramdaman ang init na tila gustong iparamdam sa akin ang seguridad. Ngunit sa kabila ng lahat, alam kong isang palabas lamang ang lahat ng ito. Masarap sanang pakinggan ang kanyang mga salita kung totoo, pero alam kong pawang pagkukunwari lamang ang lahat. Muling ibinaling ni Don Alfonso ang kanyang matalim na tingin sa aming dalawa. Ilang saglit siyang nanatiling tahimik, tila iniisip ang kanyang susunod na hakbang. Hanggang sa napansin ko ang bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon—unti-unting kumalma ang kanyang anyo, ngunit hindi nawala ang lamig sa kanyang mga mata. "Sige, dahil matigas ang ulo mo, bahala ka," aniya sa wakas, kasabay ng isang mapait na ngiti. "Sana hindi mo ito pagsisihan sa huli." Saglit siyang tumigil bago muling nagpatuloy. "Ikaw na ang bahala sa asawa mo," madiin niyang sinabi kay Elixir. "I don't want our name to be disgraced because of her. Make sure she doesn't tarnish our family's reputation." And with those sharp, cutting words, I felt like a complete stranger—someone who would never truly belong in their world. This is what I felt as Lhea Lopez. Pagkatapos sabihin ni Don Alfonso ang kanyang matatalim na salita, agad niya kaming tinalikuran at walang lingon-likong umalis. Halata sa bawat hakbang niya ang bigat ng loob at matinding pagkadismaya. Hindi niya kailanman itinago ang kanyang pag-ayaw sa akin—isang katotohanang hindi ko maikakailang masakit. Sa kabila ng lahat, ang pinakamasakit ay ang mapagtanto kong kailangan ko pang maging si Cathleya upang matanggap at magustuhan niya. Dahil bilang si Lhea, isa lamang akong hamak na walang halaga sa kanyang paningin—isang maruming bahid sa pangalang Dela Costa. Nang tuluyan nang mawala sa paningin namin si Don Alfonso, agad akong hinila ni Elixir palayo. Wala man lang siyang pag-aalinlangan sa ginawa niyang paghila, walang bahid ng pag-iingat o paggalang, at aminado akong masakit iyon—hindi lang pisikal kundi pati sa aking damdamin. Nang makapasok na kami sa loob ng kanyang kotse, agad niyang isinara ang pinto at padarag siyang bumaling sa akin. Nakatitig siya sa akin ng matalim, bakas sa kanyang mga mata ang galit. "Sinabi ko naman sa’yo na huwag kang magsasalita, Lhea. Pero ano ang ginawa mo kanina?" Buong akala ko, pagkatapos ng nangyari, kahit papaano ay makakakuha ako ng kahit kaunting simpatya mula sa kanya. But I was wrong. What hurt even more was that, despite the fact that he only paid me for this arrangement, I still hoped that he would defend me—that he wouldn’t allow his family to belittle me right in front of him. Ngunit wala akong narinig mula sa kanya kahit isang salita upang ipagtanggol ang pinalabas kong pamilya. Humugot muna ako ng hininga bago magsalita. "Masama bang ipagtanggol ko ang pamilya ko?" matapang kong tanong, kahit pa ramdam ko ang panghihina ng aking loob. Napakurap siya at tila hindi agad nakahanap ng isasagot. Saglit siyang napabuntong-hininga bago muling tumitig sa akin, ngayon ay bahagyang kalmado ngunit may diin pa rin sa kanyang boses. "Alam kong nakakasakit sa isang tulad mo ang mga sinabi ng lolo ko. Pero sana, hindi ka na lang nagsalita," aniya, puno ng awtoridad ang kanyang tinig. "Malaki ang ibinayad ko sa’yo, Lhea. At kasama sa kasunduang iyon ang pagiging bingi mo sa lahat ng sasabihin ng pamilya ko. Kung ayaw mong maging bingi, lunukin mo na lang ang lahat ng maririnig mo. At sinasabi ko sa’yo, lolo ko pa lang ‘yon—hindi mo pa nakikilala ang buong pamilya ko. Wala akong balak ipakilala ka sa kanila, pero hindi malayong malaman din nila ang tungkol sa pagpapakasal natin." Tahimik akong napatingin sa kanya, pinoproseso ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Alam ko naman ang tungkol sa pagiging matapobre ng kanyang pamilya. Pinaghandaan ko na ito bago pa man ako pumasok sa kasunduang ito. Ngunit hindi ko inakala na sa lolo niya ako unang masasaktan nang ganito. Sa pagkakaalala ko kay Don Alfonso noon, isa siyang mabait na tao—pero ngayon, malinaw na malinaw na ang kabaitan niyang iyon ay eksklusibo lamang sa mga taong nasa parehong antas ng buhay niya. Sa mga tulad kong wala sa antas nilang itinakda, isa lamang akong dungis na hindi dapat umangat. Hindi ko na nagawang sumagot. Ano pa nga ba ang dapat kong sabihin? Aminado akong masama ang loob ko. Ramdam ko ang pait sa dibdib ko, ngunit wala akong magagawa kundi sikmurain ito. Ginusto ko ito. Pinasok ko ito. At dahil pinasok ko ito, kailangan kong panindigan. Dahil mahal ko si Elixir. At kung ang kapalit ng pagmamahal na iyon ay ang pagbaba ng sarili kong pagkatao, gagawin ko. Kung kailangan kong lunukin lahat ng masasakit na salitang ibabato sa akin, tatanggapin ko—umaasang sa bandang huli, may magandang bunga ang kahibangan kong ito. Pinaandar na ni Elixir ang kotse, at sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Tanging ang mahina at tuluy-tuloy na pag-andar ng sasakyan ang naririnig ko sa loob ng sasakyan. Alam kong hindi matatapos ang gabing ito nang hindi siya muling magsasalita, at hindi nga ako nagkamali. "Ihanda mo ang mga gamit mo," malamig niyang sabi, hindi man lang tumingin sa akin. "Bukas din ay ililipat kita sa isang bahay na pagmamay-ari ko. Alam ni Lolo na mag-asawa tayong dalawa. Magtataka siya kung bakit hindi tayo magkasama sa iisang bubong." Napalunok ako sa narinig. Ibig sabihin, titira kami sa iisang bahay—sa ilalim ng iisang bubong—na parang tunay na mag-asawa? Isang ideyang hindi ko pa rin lubos maisip. Pero bago pa man ako makapag-isip ng kung ano pang kahulugan noon, agad niyang sinundan ang sinabi niya. "At talagang hindi naman tayo magsasama," madiin niyang dagdag, animo'y binabasa niya ang takbo ng isip ko. "Palabas lang na magkasama tayo sa iisang bahay, pero doon muna ako mamalagi sa opisina ko. Alam mo naman na may sariling kwarto ako doon. From time to time, I’ll come home to you so that Lolo won’t get suspicious. But remember this, Lhea—I will not share a bed with you. I don’t want to sleep in the same bed as you." Diretso at walang pag-aalinlangan ang tono niya. Para bang isang malinaw na babala, isang pader na itinayo niya sa pagitan naming dalawa. Hindi ako nakapagsalita. Ramdam ko ang pagkirot sa dibdib ko sa bawat salitang binitiwan niya. Para bang isang matalim na kutsilyong unti-unting lumulubog sa puso ko. Hindi ko man ginustong umasa, hindi ko rin mapigilan ang sakit ng mga inaasahan kong hindi kailanman mangyayari. Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin ko sa bintana, itinago ang pamamasa ng aking mga mata. Ayaw kong makita niya akong mahina. Ayaw kong ipakita sa kanya kung gaano ako nasasaktan sa bawat malamig na pagtrato niya sa akin. Naging tahimik kami sa natitirang biyahe hanggang sa tuluyan na niya akong ihatid sa apartment ko. Pagkahinto ng sasakyan, hindi na siya nagsalita pa. Walang kahit anong paalam, walang kahit anong tingin. Agad akong bumaba ng kotse, at sa parehong bilis, pinaandar niya ito at umalis. Nakatayo lang ako sa gilid ng kalsada, sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan ni Elixir. Masakit. Masakit ang kalamigan na ipinaparamdam niya sa akin. Masakit na ni hindi man lang niya naisip yayain akong mag-dinner, gayong gabi na rin naman. Masakit na para bang ang gusto niya lang ay maihatid ako sa lalong madaling panahon upang makaiwas sa akin. Ano pa ba ang ine-expect ko? Sa mata niya, isa lang akong contract wife. Isang babaeng pumayag na pakasalan siya para sa pera. Hindi niya alam na hindi ko kailanman kailangan ang pera niya. Hindi niya alam na pumayag ako sa kasunduang ito hindi dahil sa materyal na bagay, kundi dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya kaya ako nagpapakatanga. I wiped away the tears that stubbornly filled my eyes. I shouldn't be like this. It's not too late—we've only just gotten married. I need to be patient. I need to understand him in every situation. I know that this isn’t easy for him either. Humakbang na ako papasok sa apartment, ngunit agad akong napakunot-noo nang mapansin kong hindi naka-lock ang pinto. Naramdaman ko ang kaba na dahan-dahang gumapang sa buo kong katawan. Sigurado akong ini-lock ko ito kanina bago umalis. Bakit ito bukas? Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang itinulak ang pinto. Nang bumungad sa akin ang isang pamilyar na pigura sa loob ng apartment, agad akong natigilan. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. "Dad!" Halos mapatakbo ako sa gulat. Tahimik lang siyang nakaupo sa sofa, nakatitig sa akin na para bang kanina pa niya ako hinihintay. "Mabuti naman at nandito ka na," malamig niyang sabi, hindi man lang nagpakita ng kahit anong emosyon. "Kanina pa ako naghihintay sa’yo." Bahagya akong napa-atras, pilit pinapakalma ang sarili ko. "A-Ano'ng ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok?" tanong ko, kahit alam kong wala nang saysay pang itanong iyon. Hindi man lang siya natinag. "Importante pa bang malaman mo?" matigas niyang tugon. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nandito ako para kunin ka at tapusin na itong kahibangan mo, Lhea." Madiin ang titig niya sa akin, puno ng panggigigil at hindi matinag na determinasyon. Pero hindi ako natinag. Hindi ako umuurong. "No," direkta kong sagot, walang alinlangan. "Dad, napag-usapan na natin ito. Hindi ko ititigil ito. Ngayon pa na mag-asawa na kami ni Elixir—" "Na isang malaking kahibangan, Lhea!" matalim niyang putol sa sinasabi ko. "Kahibangan man sa tingin mo, pero hindi pa rin ako sasama sa’yo, Dad," madiin kong sagot, kahit pa ramdam kong nanginginig na ang aking mga kamay. Kitang-kita ko ang paglatay ng galit sa kanyang mga mata. "Okay," malamig niyang tugon. "Mamili ka, Lhea. Ang lalaking iyon na hindi ka naman mahal... o kami—ang pamilya mo. Oras na piliin mo siya, isa lang ang ibig sabihin nito: pinutol mo ang ugnayan mo sa amin, sa mga Montreal at Saavedra. We're not here for you anymore, Lhea." Tila tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Kaya ba talaga akong itakwil ni daddy kung si Elixir ang pipiliin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD