------- ***Lhea’s POV*** - Hindi ako kaagad sumagot. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, hawak pa rin ang kopya ko na para bang ito na lang ang natitirang ebidensya ng katotohanan ko. Muli kong tinignan si Megan. Hindi na siya katulad kanina—hindi na matapang. Ngayon, kitang-kita ko ang kaba sa kanyang mga mata. Unti-unti siyang humigpit ng hawak sa gilid ng lamesa, parang humahanap ng sandigang hindi niya makita. "Simple lang po," sagot ko nang buong buo. “Kung talagang pareho kaming may alam sa proposal na ito, puwede pong tanungin kami pareho.Isang technical na tanong lang. Isa lang. Kung sino ang totoong gumawa, siya lang ang makakasagot nang buo at may kumpiyansa.” Tahimik ang buong lugar. Si Megan ay hindi umiimik. Lumingon siya kay Elixir, na tila umaasang bibigyan siya ng sago

