C58: Sa hindi inaasahan pagkakataon!

1936 Words

-------- ***Third Person’s POV*** - Mainit ang sikat ng araw, ngunit may malamig na simoy ng hangin na dumarampi mula sa open field kung saan isinasagawa ang photoshoot para sa SereniTea campaign. Simple lamang ang setup—pastel na kulay ng mga props, mga wooden crate, mga bulaklak na waring sumasayaw sa hangin, at isang maliit na tea cart sa gilid. Walang engrandeng dekorasyon, ngunit may kakaibang sigla at kasiyahan sa buong paligid, na tila ba nahawa sa ligaya ng batang bida na nasa gitna ng eksena. At doon, sa kalagitnaan ng araw na iyon, dumating si Elixir. Tahimik siyang lumakad sa damuhan, bakas sa kanyang anyo ang hindi pagiging pamilyar sa ganitong klaseng tagpo. Marami ang napahinto sa kani-kanilang ginagawa—mga staff na napalingon at agad na nagbulungan. Iba kasi ang presens

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD