-------- ***Third Person's POV*** - Tatlong taon na ang lumipas mula nang ikasal silang muli ni Stacey. Tahimik ngunit masaya ang naging takbo ng buhay nila bilang mag-asawa. Hindi perpekto pero masaya. Mas lalo nilang pinagtibay ni Stacey ang pagmamahalan nila para sa kanilang pamilya. Nakatayo si Alexander sa veranda ng beach house nila, nakasuot lang ng simpleng white shirt at shorts habang pinagmamasdan ang mga anak nilang naglalaro sa buhanginan. Si Alex at Mischa, walo na ang edad, parehong malilikot at puno ng enerhiya, tila walang kapaguran sa kakahabulan. Si Alexaine naman, tatlong taong gulang, nakaupo sa maliit na sand chair, may hawak na pink na timba’t pala habang naglalaro ng buhangin. Nakangiti si Alexander habang pinagmamasdan ang mga anak. May kaunting liwanag pa mula
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


