------ ***Lhea's POV*** - Isang buong oras na ang lumipas mula nang umalis sina Elixir at Megan, ngunit nanatili pa rin akong nakaupo sa loob ng opisina ni Elixir. Tahimik. Hindi mapakali. Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang mga hinala—at ang katotohanang unti-unti nang luminaw sa akin. Malaki ang posibilidad na ipinagpalit ni Megan ang business proposal naming dalawa. Nang bumukas ang pinto, agad akong napatayo. Magkasabay na pumasok sina Megan at Elixir. Magaan ang kanilang aura—parang punung-puno ng kasiyahan. Nakaakbay pa si Elixir kay Megan at kapwa sila may ngiti sa mga labi. Muli, parang may matalim na tumusok sa dibdib ko. Ramdam ko ang hapdi, ang panibagong hiwang iniwan ng selos. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ang kasawian sa pag-ibig ang iniinda ko, kundi ang ginaw

