------- ***Stacey’s POV*** - Huminga ako nang malalim. Sa sobrang galit ko, parang nawala ang kaba. Napalitan ito ng isang malamig na determinasyon. Tiningnan ko ang tatlong lalaki—mga halimaw na akala mo’y kayang-kaya ako. At si Lindsay, nakatingin lang sa akin mula sa di kalayuan, nakangisi, sigurado sa tagumpay niyang pinlano. “Game na, mga pare?” ani ng isa sa mga lalaki, sabay lapit sa akin. Mali sila. Napakalaki ng pagkakamali nila. Hindi nila ako kilala. Hindi nila alam kung ano ang kaya kong gawin. Hindi nila alam kung sino ang kinanti nila. Bago pa man makalapit sa’kin ang lalaki, isang mabilis na hakbang ang ginawa ko. Lumusot ako sa kanan niya, sabay binitawan ko ng siko sa tagiliran. Rinig ko ang ungol niya bago siya bumagsak sa semento, hawak-hawak ang tiyan. Isa. Isa

