------- ***Third Person's POV*** - Muntikan nang mabilaukan si Elixir sa kanyang kinakain nang bigla niyang marinig ang malakas na sigaw mula sa terrace. "Aaaahhh!" Nagulat siya at agad na napatayo. Sa kanyang pagmamadali, natapik pa niya ang baso ng tubig na tumilapon sa ibabaw ng mesa. Mabilis niyang nilunok ang natitirang subo ng kanin, saka nagmadaling lumagok ng tubig. Halos matapilok siya sa pagtakbo palabas ng kusina, patungo sa terrace kung saan naroon si Lhea. "Baby, what happened?" tanong niya agad, bakas sa tinig ang labis na pag-aalala. Halata rin ang panginginig ng kanyang boses. Bumulaga sa kanya si Lhea na balot ng pawis, hawak ang tiyan habang nakaupo sa reclining chair. Sa isang kamay ay nakahawak pa siya sa isang magazine na halos malaglag na sa sahig. "Elixir… an

