-------- ***Stacey’s POV*** - Umagang-umaga pa lang, pero agad nang nasira ang araw ko. Pagkababa ko sa may sala, bumulaga sa akin si Alexander na nakaupo sa may sofa. May hawak pa siyang bouquet ng white roses—at halatang-halata na galing ito sa flower shop ko. Kilalang-kilala ko ang ayos at pag-aayos ng mga bulaklak na mula sa tindahan ko. “What are you doing here, Alexander?” galit na galit kong tanong sa kanya habang mahigpit kong kinakuyom ang aking kamao. Tahimik siyang tumayo, saka iniabot sa akin ang bouquet. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tinanggap ko rin iyon. Siguro dahil ayaw kong magmukhang immature o masyadong emosyonal. Pero hindi ibig sabihin nito na natutuwa na ako sa kanya o handa na akong makipag-ayos. “Manang, nakakain na ba sina Mischa at Alex?”

