Alexander and Stacey 34

1712 Words

------ ***Stacey's POV*** - Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sobrang sama na nga ng loob ko dahil sa mga sinabi sa akin ni Alexander, tapos dinagdagan pa ng mga naririnig ko mula sa kanya mismo. Kaya heto na naman ako ngayon—kasama si Lukas. Pakiramdam ko, bagsak na bagsak ako. Wala na akong lakas. Basang-basa ng luha ang kalooban ko kahit paulit-ulit kong pilit na pinapakita sa iba na okay lang ako. Pero ang totoo, hindi ako okay. Hindi talaga. “That’s enough. Lasing ka na,” sabi ni Lukas sa akin, may halong pag-aalala at bahagyang paninita sa tono ng kanyang tinig habang inaabot ang baso ng alak mula sa aking kamay. Pero iniwas ko ang kamay ko. Ayokong maagaw niya ang baso. Ayokong pigilan niya ako. Hindi niya naiintindihan. Hindi niya alam kung gaano kabigat lahat ng dinadala ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD