------- ***Stacey’s POV*** - Hindi ko talaga kayang espelingin ang ugali ni Alexander. Umalis siya nang hindi man lang nagpaalam sa akin. Aminado akong naiinis ako—inis na inis. Bigla na lang siyang nagagalit kapag hindi nasusunod ang gusto niya. Anong gusto niyang gawin ko? Maging sunod- sunuran na lang sa kanya. Matigas siya. Well, mas matigas ako. Pero s**t, nakakainis. Isang araw lang, namimiss ko na naman siya. Gustong-gusto ko na siyang tawagan, pero nangingibabaw ang pride ko. But---- akala ko talaga… akala ko palaging pride ko ang uunahin ko. Pero sh*t, natagpuan ko na lang ang sarili kong nagpabook ng flight. Pa-Cebu. Oo, pupuntahan ko siya. Susundan ko siya. Mamaya ko na iisipin kung ano ang idadahilan ko sa kanya. Mabilis akong nakarating sa Cebu. Gamit ang koneksyon ko,

