------ ***Lhea’s POV*** - “Bakit? Hindi ka ba makapaniwala, Megan, na ang sinasabi mong best friend at ang babaeng walang habas mong iniinsulto ay iisa lang?” tanong ko habang nakangising nakatitig diretso sa mga mata niya. Napailing-iling siya, parang nauulol. Namumutla ang kanyang mukha, at bakas sa mga mata niya ang kaba at hindi makapaniwala. “Hindi! Hindi ikaw si Cathleya!” sigaw niya, nanginginig ang boses. “Niloloko niyo lang ako! Palabas niyo lang 'to! Dahil malakas ang kapit mo sa mga Montreal at Saavedra! Hindi puwedeng ikaw si Cathleya! Dahil isa kang basura! Isa kang kabit! Isa kang—” Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya bago pa niya matapos ang tila lason niyang mga salita. Sa lason siguro ipinaglihi itong si Megan—nakalalason sa pagkatao ang bawat salitang l

