---------- ***Lhea's POV*** - "Nakakatawa kayo," sagot ko, walang bahid ng poot sa aking tinig, ngunit puno ng tiwala sa sarili. Hindi ko kailangan ibaba ang sarili ko sa antas ng pag- uugali nila, pero hindi ko rin hahayaang tapakan nila ako nang basta-basta. "Sobrang insecure niyo sa akin, hindi ba? Ni hindi ko pa kayo iniinda, pero heto kayo, nag-aaksaya ng oras para insultuhin ako. Ano kayang pakiramdam na kailangang tapakan ang ibang tao para lang maramdaman mong mas mataas ka sa kanila?" Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila, bago unti-unting nagdilim ang mukha ni Megan. Halatang hindi niya inasahan na may isasagot ako, lalo pa’t hindi siya sanay na may lumalaban sa kanya. "Anong sinabi mo?!" singhal niya, at ramdam ko ang matinding inis sa kanyang tinig. Ngumiti ako nang

