Chapter 28: Taste of Agony Sabado at Linggo ang inilagi ko sa mansiyon at sa dalawang araw na iyon ay halos hindi din kami nagkitaan ni Shainon. Ako ang umiiwas. Ayoko ng maulit pa ang nangyari sa kotse na iyon, hindi maari, hindi maganda. Nagsisi ako na hinamon hamon ko pa siya. Good thing na medyo busy din siya. Minsan nakita ko pa siya sa may garden namin, kung saan may upuan at maliit na round glass table, nakasilong sa ilalim ng noo'y malago ng sakura tree. He is wearing his usual reading glasses, naka braids ang mahabang buhok na tila gaya sa isang chinese and his white long kimono made him look like a mythical creature out of a book. Shainon really loves kimono a lot na kahit sa kompaniya ay ‘yan ang suot niya. Seryoso siyang nagbabasa noon ng makakapal na papel at paminsan minsa

