Chapter 8: Jealous Sanjou Malalim na ang gabi pero gising pa rin ako. I was bored. Kung kaya naisipan kong magmovie marathon na lang muna. Kung mag oversleep man ako ngayon, hindi na ako papasok bukas. Uh-huh, that's not a bad plan. Kakalabas ko lang sa convenient store dala ang mga pinamiling beer at chichirya ng may nahagip ako sa kabilang kalsada. Isang hindi magandang eksena para sa akin. Inis kong naikagat ang kinakaing lollipop at basta basta na lang ibinuga ang stick n’un. Napahigpit ang hawak ko sa plastic na may lamang pinamili. What the hell is he doing this late at night? And who the hell is that guy na akay-akay niya? Mabilis akong tumawid sa kalsada para lapitan si Jun na noo'y may akay-akay na lalaki na parang kasing edad niya lang. Bago sa paningin ko ang kasama niya kun

