Naveen's POV Nasa isang resort na kami ni Gelo. Malayo ito sa siyudad at kinalangan pa naming sumakay sa private chopper. Plano kong magtagal dito hanggang dalawang linggo. Nakita ko lang din ito sa internet, you will have your own villa. I mean, magkakalayo ang mga villas nila. Isang bed lang din ang kinuha ko dahil kasya naman kami ni Gelo. "You like it here baby? So peaceful right?" Tanong ko kay Gelo habang nakamasid sa paligid. Ngumiti lamang siya sa’akin. Nasa isang van kami ngayon at ihahatid kami ng mga stuffs sa tutuluyan namin. "Your son is so adorable, Ma'am." Rinig kong sabi ng babaeng may pangalang Lyn. I just gave her my smile. Mayamaya pa ay huminto na kami sa isang villa. Tinulungan nila kaming dalhin sa loob ang nga gamit namin. Lyn gave me the keys. "Enjoy your stay

