Em's POV
"Ako muna ang bahala kay Mr. De Leon, magpahinga ka muna"
"Thanks, Hearon"
After kong ma-discharge ay diretso na kami sa bahay umuwi para makapag-pahinga daw ako.
Hindi ko lubos akalain na mawawala nanaman ako sa sarili ko kanina. Sa harap pa talaga ng mga tauhan namin at kay, Mr. De Leon. Buti nalang andoon si Hearon.
"Gotta go, Mr. De Leon's family is already there. May ipapasabi kaba?" Napahawak ako sa aking ulo ang inalala ang mga nangyari kanina.
"Oh right. I was about to tell him everything about the Stone mafia's dark side. In that way, you don't need to force him anymore to talk about Saevus Organization. Then call me before that, I want to hear everything"
"Okay," sabi nito at saka lumabas na, sumunod naman si ate para ihatid siya.
Pagka-alis nila ay kinuha ko naman ang cellphone ko then I dialed Tanda's number.
*Em! I heard what happened to you, are you okay?*
"Perfectly fine. Anyways, are you free tomorrow?"
*Yeah. Why?*
"Great! See you"
*Oh, you missed me. Okay, see you darling*
Napangiti ako. Excited na akong makita siya bukas, it's been a month since we last saw and talk to each other and yeah, I badly missed her.
-*-*-*-
Hearon's POV
"Hindi mo kasama si Miss? Ayaw niya daw magsalita hanggat' hindi si Miss ang makaka-usap niya" sabi saakin ni Mr. James ng magkasalubong kami papunta sa interrogation room.
"I will just call her. Btw, where is his family?"
"Dinala ko sila sa guest room para makapag pahinga. May sakit pala sa puso ang mama niya while his younger sister is suffering anxiety and depression because of the death of her father and younger brother, isama mo pa ang mga tsismis tungkol kay Mr. De Leon"
"Get them a doctor and psychiatrist. Ikaw na muna ang bahala sakanila" Tumango naman siya at lumihis na ng daan.
Dumiretso na ako sa interrogation room at nadatnan si Mr. De Leon na naka posas ang kanyang paa at kamay sa upuan.
"You can all leave, except for Allen"
"Is she okay?" Allen whispered. Tumango naman ako at ngumiti, "I knew it"
Napalingon naman ako sakanya na ngayon ay sobrang lapad na ng ngiti. I'm happy that Em found a friend like him.
"So, let's start. Mr. De Leon, have you already decided to tell us about Saevus?" I asked but he remained silent at nanataling nakayuko. Looks like he won't talk to us unless it's Em.
"Don't expect Em to come, she can't be here. There is something more important than you, Mr. De Leon" masungit na sabi ni Allen na ikinagulat ko. May ganitong side pala siya.
"May mas importante pa pala kaysa sa Saevus Organization," He said while smirking at both of us.
"Kilala mo ako diba? Hearon Dale, ang dating mafia boss ng Dale mafia. Minsan ko ng naka alyansa ang Stone Mafia. Bilib ako kung paano pahalagaan ni Mr. Austin ang mga tauhan niya pero hindi sa mga sekretong batas niya" napahinto ako ng bahagya siyang napalingon saakin. Got you! "At isa sa kanyang mga batas ang pumatay nang isa hanggang sa dalawang myembro nang pamilya mo ng hindi mo nalalaman"
Bigla na lang siyang tumawa ng malakas habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha.
"I pity him" bulong ni Allen habang pinapanood si Mr. De Leon, "Betrayal is the worst"
"Yeah, I hope Empress will spare him"
Napatigil na siya sa kanyang pagtawa at pinunasan narin niya kanyang mga luha. Umayos siya ng kanyang upo saka nakangising humarap saaming dalawa.
Hindi ko mapigilang mapangiting tinawagan si Em. Mga ganitong klase ng tao ang kailangan namin.
"Seavus Organization na tinatawag ding Hexa Organization. From its name Hexa, anim na mafia ang namumuno dito, at ang bawat mafia boss ay tinatawag na head" So, they are also the Hexa Org. na kilala at kinatatakutan ng mga ibang mafia sa ibang bansa
*Who are they?* Tanong ni Em na agad ko ring tinanong sakanya.
"Ang mafia boss, consigliere, at underboss lang ang nakaka-alam. Ang tanging alam ko lang ay kasama ang Stone mafia sa Saevus at tinatawag nilang Madame X ang pinaka mataas sakanila"
*Next*
"What's your motive coming here?"
"Nakuha ni Empress ang atensyon ni Madame X, sinisigurado niyang nandito na talaga siya. Hindi na dapat siya umuwi. Madame X wants her" natahimik kaming lahat pagkatapos niyang magsalita. Pati si Em di' makapagsalita.
This is bad. Anong kailangan sakanya ni Madame X? Her immortality? Hindi ba nasa kanya naman si Oren? O baka si Oren ang may kailangan kay Em?
*Ikaw na bahala sa bagong titirhan niya at ng pamilya niya. Siguraduhin mong hindi sila mahahanap ng Stone mafia. See you tomorrow* Then she ended up the call
"Let's go" sabi ko kay Allen at lalabas na sana ng muli siyang magsalita
"Narinig kong may tainga at mata si Madame X dito. Siya ang nagbabantay sa mga ikini-kilos ni Empress. Mag-ingat kayo sa mga taong pinagkakatiwalaan niyo"
Kung ang tinutukoy niya ay mga tauhan namin ay wala siyang mapapala dahil minsan lang nila makita si Em. Pero kung yung mga taong malapit kay Em, sino?
I can't bear thinking that one of us is a traitor. I can't even imagine it.
"I'm not buying it. No one is a traitor. No one!" seryoso at galit na sabi sakanya ni Allen saka siya nauna ng lumabas.
"Hindi ko narinig kung sino pero alam ko kung anong narinig ko. Protektahan niyo si Empress"
-*-*-*-
Elwood's POV
"Evening Wein!" Napa-angat ako ng tingin ng batiin ni Dy si Aiken na bagong gising lang, bampira ba talaga ang lalaking ito?
"Good evening"
"Uy Aiken! Sakto may tanong ako" sabi ko sabay harap sakanya ng laptop
"Kilala mo ba si Mr. Hinata?" He nodded.
"Mr. Hinata is the leader of one of the biggest yakuza families. Nakilala ko siya when I attended an auction in Japan. Why?"
"Patay na siya matapos niyang kalabanin ang Hexa Organization" Bigla namang nanlaki ang mata niya at kinuha saakin ang laptop.
"Kalat na sa underground website ang nangyari tungkol sa pagkamatay niya at pagkasira ng kanyang clan. No one expected that Hexa is stronger than them"
"Yan ang dahilan kung bakit kinatatakutan ang Hexa. Wala silang sinasanto" Dy stated habang papalapit saamin dala ang kanyang nilutong adobong manok
"Si Mr. Hinata lang ata ang naglakas loob na kalabinin sila. Isipin niyo nalang, you over 6 mafias? GG" dugtong naman ni Nathan.
"Ibig bang sabhin anim silang namumuno sa Hexa?" I asked.
"No, those 6 mafia's are just nothing but a pawn for her. You never heard about Madame X, right? She's their leader" Aiken answered.
"Sana nga lang wala tayong maging problema sakanila" Sabi ni Nathan. He's right, Hassler is still in the rebuilding stage after Wilson destroyed it. We can't take any damages for now.
"Dyan ka nagkakamali Nathan. Oren is part of Saevus. Maybe not now but soon Oren will destroy us again"
-*-*-*-
Em's POV
"Nakuha ni Empress ang atensyon ni Madame X, sinisigurado niyang nandito na talaga siya"
She wants to secure that I'm home. This means she's not the one behind the attack on the plane. Then who?
"Hindi na dapat siya umuwi. Madame X wants her"
I never met Madame X before, hindi ko rin alam kung ano bang naging kasalanan ko at ni Aiken sakanya. Hearon told me that Madame X also played with us when we are still in school and Saevus is also the reason why I need to protect Aiken for almost two years. And now, she wants me?
Sino ba talaga siya?
Hindi na ako nakatulog pa dahil hindi na maalis sa isip ko ang Saevus, especially Madame X. Sana hindi rin siya nakatulog.
Pagdating ni Hearon sa bahay ay nagpunta na kami agad kay Tanda. Habang si ate ay naiwan sa bahay at si Allen naman ay naiwan sa mafia house para magbantay.
"You look tired" sabi ni Hearon habang nakatingin saakin mula sa rear-view mirror.
"I didn't get enough sleep last night because of Saevus"
"About Madame X? You know, maybe it's Mr. Reinmann, not Madame X" Oren? That's it! Oren wants me back! "Uhm, one more thing. Mr. De Leon warned us that maybe one of us is a traitor"
"What do you mean one of us?"
"I don't want to say this but it can be me, Allen, boss Gray, miss Illiana, sir Grayden, or Mrs. Janios. One of us is betraying you"
Naikuyom ko ang aking kamao. Lahat ng taong binanggit niya ay ang mga taong malapit saakin at pinagkakatiwalaan ko.
"But one thing for sure, it's not me. Trust me Em, I'll protect you until my last breath"