Chapter 29 After 5 Years ‘’Mommy, I want to go at Daddy’s office,’’ lambing ni Troy sa akin. Limang taong gulang na siya at hanggang ngayon ay narito pa rin kami sa Amerika. Hindi kami noon natuloy sa pag-uwi namin sa Pilipinas dahil kinakailangan pang tutukan ni Jnazel ang negosyo na pinatayo nila ni Ian. Kaya, kahit magbakasyon sa Pilipinas ay hindi na namin nagawa. Palagi na lang siya tumatawag sa Pilipinas sa mga magulang niya para makita ng mga ito si Troy at makakausap sa pamamagitan ng video call. Nagtrabaho na rin ako noong nasa isang taong gulang pa lang si Troy. Naging isang Manager ako sa isang restaurant dito sa Amerika. At si Troy naman ay kinuhanan na lang naman ni Janzel ng tagabantay na isa rin Pilipina, si Ate Joy. Maglilimang taon na rin ako sa trabaho ko ngayon. Hin

