Chapter 22 Pinagbigyan ko si Janzel na makaraos sa aking katawan. Ayaw ko kasi na biguin siya pagdating sa bagay na iyon dahil ayaw kong hanapin niya iyon sa iba na puwede ko naman ibigay sa kaniya. Bagsak siyang nahiga sa aking tabi pagkatapos ng tatlong beses naming magtalik sa araw na ito. Ganiyan si Janzel. Hindi siya kontento sa isang beses lang. Wala naman akong reklamo sa bagay na iyon dahil pareho naman naming napapaligaya ang isa’t isa. Isa pa natural lang naman siguro iyon sa mag-asawa. Obligasyon ng isang babae na ibigay ang pangangailang ng asawa niya lalo na pagdating sa pagtatalik. Ngunit obligasyon rin ng lalaki na alagaan ang kaniyang asawa at hindi na maghanap ng iba. Iyon ang gusto kong mapunuan kay Janzel. Para nang sa ganoon ay hindi na siya maghanap pa ng iba. Han

