Chapter 39 Kinabukasan ay nagpaalam na kami sa mga bata at kay Jasmine na umalis. Ganoon din kay Roshel at Tita Ann. Halata ang lungkot sa mga mata ni Jasmine lalo na at nakaharap niya na ang ama ng kaniyang mga triplets. Ngunit alam ko na malalampasan niya rin ang pagsubok sa kaniyang buhay. Sana ganoon din ako, malampasan ko ang lahat na pagsubok sa pagsasama namin ni Janzel. ‘’Balik kayo, ha?’’ malungkot na sabi ni Jasmine sabay yakap sa akin. ‘’Oo, mag-ingat ka. Alam ko kaya mo lahat lampasan ang pagsubok sa buhay mo. Tawagan mo lang kami ni Janzel kapag may problema ako,’’ tugon ko sa kaniya at kumalas ng yakap. Yumakap rin siya kay Janzel at hinalikan niya naman sa pisngi si Troy. Humalik na rin ako sa kaniyang mga anak, kay Tita Ann at Roshel bago kami sumakay sa kotse ni Janze

