Chapter 20 Halos buong araw kami ni Jasmine nagkuwentuhan dahil sobrang na miss namin ang isa’t isa. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko nang patawarin niya ako sa ginawa ko noon sa kaniya. Pagsapit ng hapon ay nagpaalam na siyang umuwi. Hinatid siya ni Janzel sa labas ng hotel habang ako naman ay nakaupo lang sa sofa at nilalaro-laro ko ang aking mga daliri dahil kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano ako nasundan dito ni Janzel. Sunod-sunod ang aking buntonghininga nang dahan-dahan bumukas ang pintuan ng aking silid. Pumasok si Janzel at seryoso itong nakatingin sa akin. Lumapit siya sa kinaroroonan ko at naupo sa tabi ko, kaya lalong bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa kaba. Ngunit nilabanan ko ang kaba na nadarama at tinanong ko siya. ‘’Ano ang ibig mong sabihin kanin

