Kabanata 2 | Mess

2222 Words
Tahimik at nakabusangot ang mukha ko habang lulan ng limousine ng Spike Guillermo na ito. Nakaupo siya sa tabi ko at nakapandekwatro habang nakatitig sa kanyang ipad. Nakailang lingon na ako sa kanya at parang wala siyang pakialam kung tinititigan ko siya. Hindi man lang ba siya nai-intimidate? “Care to explain?” sa ikasampu na yatang lingon ko sa kanya ay hindi ko na napigilang sarkastikong magtanong. Sandali siyang nag angat ng tingin sa akin bago muling nagbaba ng tingin sa ipad na hawak niya. “Nasagot ko na ang tanong mo. Ipinambayad utang ka ng daddy mo.” “I want more explaination to that! Gaano ba kalaki ang utang ng daddy ko para ipambayad ako sa iyo? Hindi ako mumurahing babae kung iyon ang inaakala mo!” Umangat na naman ang isang gilid ng labi niya. Maliit ulit. Sarkastiko na naman. Nakakapikon tingnan. “Sa laki ng utang ng daddy mo sa akin . . .” Pinatay niya ang ipad niya at tuluyang ibinigay ang buong atensyon sa akin. “Kulang pa ang kompanya mo at ikaw. Kailangan mo akong bigyan ng mga anak para ma fully paid ang utang ng daddy mo . . . Serra.” Nanindig ang balahibo ko. Hindi lang dahil sa sobrang baba ng boses niya at sa malamlam niyang mga mata na tila tinatamad akong tingnan kung 'di sa paraan ng pagbigkas niya sa pangalan ko na parang importante akong tao. Hindi ako nakasagot at naiwan ang mga tingin ko sa kanya habang nakaawang ang aking labi. “Y-you mean . . .” Hindi ko na naipagpatuloy pa ang tanong ko dahil huminto na ang sasakyan. Halos magkasabay na bumukas ang pintuan namin ni Spike. Diretso siyang bumaba na hindi man lang ako nililingon. Marahas akong napabuga ng hangin at ginulo ang buhok ko. “Ma'am, naghihintay na po si boss sa inyo.” Sinilip ako ng lalaking nagbukas ng pintuan sa side ko. “Pakisabi sa boss mo na hindi ako lalabas,” matigas na sabi ko. “Pero ma'am—” “I'll stay here,” muling sambit ko at pinagkrus ang aking mga braso. Now that I'm in this situation, napaisip tuloy ako kung tama bang umuwi ako. Hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang mangyayari sa pag uwi ko. I thought everything was just fine. Kung nabubuhay kaya si daddy, sasabihin niya kayang ginawa niya akong kabayaran para sa mga utang niya? I sighed. How I wish he's still here. Kasi kung totoong ipinambayad niya nga ako at least kasama ko siya. At least man lang may matatakbuhan ako't may mayayakap ako sa tuwing nahihirapan ako. Kung alam ko lang na ganito, sana pala umuwi ako ng mas maaga. Hindi na sana pa ako nagtagal sa Las Vegas. Napatingin ako sa gilid ko nang dumungaw roon ang mukha ni Spike Guillermo. Ano pa bang inaasahan ko? Malamang ay hindi niya ako hahayaang maiwan mag isa dito sa loob ng limousine. Ang tanga ko para paniwalain ang sarili kong tanga siya. “You'll get out on your own, or I'll drag you out? Choose.” Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Pero talagang hindi siya papatinag at hindi man lang natakot sa ginagawa kong tingin sa kanya. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin at naghihintay sa sagot ko habang walang ekspresyon ang kanyang mukha. Napairap ako at marahas na napabuga ng hangin sa aking harapan. “Are you stupid? How can you make me daan d'yan kung andyan ka?” Umawang lang ng konti ang labi niya at agad na siyang umalis sa harapan ko. I have no choice but to get out of the car. Ayaw kong mahila niya no! Hindi bagay sa akin. Nakaisa lang sila kanina at nahila nila ako palabas ng bahay namin pero hindi na 'yon mauulit. Itataga ko 'to sa puntod ng daddy ko. “Let's go,” aniya at nauna nang pumasok ng mansyon. Mula sa labas ay kita ko na kung gaano kayaman ang lalaking ito. Yes, we are rich but he's richer for sure. Sa laki ng mansyon na ito na tatatluhin yata ang mansyon namin sinong tanga ang maniniwalang kakailanganin niya pa ang kompanya namin? Kahit wala ang kompanya namin ay mananatili siyang mayaman. Kung lumubog man siya sa utang at ibebenta niya ang mansyon na ito ay magiging sapat pa rin. Kaya bakit pa ako pakakasal sa kanya? “Siya na ba 'yon, hijo?” Hindi pa man ako tuluyang nakakaakyat sa b****a ng mansyon ay natigilan na ako sa nakitang magandang matanda na agad sumalubong kay Spike Guillermo. “Opo, lola. The mother of my child . . . Serra,” sabi Spike na wala man lang kabuhay-buhay. Nanatili akong nakatayo at napataas ang isang kilay. The mother of his what? “Oh my! Bakit . . . Bakit hindi mo siya inaalalayan? Hijo, I want you to take care of her, hindi madali ang magbuntis. Hija, come here. Ipapakilala kita sa mama at papa niyo. Kanina pa silang excited na makilala ka,” anang matanda at inalalayan pa nga ako. Nakaawang pa rin ang labi ko dahil sa gulat kahit pa akay akay na niya ako papasok ng mansyon. “Rosella! Javier! Nandito na ang mapapangasawa ni Spike!” “You're pregnant with me. Play it well,” bulong ni Spike nang bitawan ako ng matanda upang hanapin ang Rosella at Javier na tinatawag nito. Umangat ng kaunti ang gilid ng labi ko, ginagaya ko kung paano siyang ngumisi ng sarkastiko. “What if I don't? What if I'll tell them that I am not pregnant? And that you kidnapped me!” mahinang bulyaw ko sa kanya. Hindi ako natatakot na marinig ng matanda ang bulyaw ko na 'yon. Pasalamat lang siya at iniwan kami ng matanda sa malaki nilang sala. Pero hindi man lang siya natinag. Hindi man lang kakikitaan ng takot ang kanyang mga mata. Ang mukha niyang walang kaekspre-ekspresyon ay nananatiling ganun mula pa kanina magpahanggang ngayon. “How could you do this? Nagsisinungaling ka sa pamilya mo?!” “You have no say on everything, Serra. Nandito ka lang para maging asawa ko at maging ina ng mga anak ko. I'll just want you to zipper that f*****g mouth of yours or else . . .” “Or else what?” taas noo kong sabi. “You'll be put in jail.” I was stunned. Napaayos ako ng tayo at napaiwas ng tingin mula sa kanya. I don't wanna be put in jail! Wala naman kasi akong kasalanan so bakit ako ikukulong? Bakit ko kailangang pagbayaran ang kasalanan ni daddy sa kanya? It's their business, their game. So bakit biglang nasali ako? “Siya na ba 'yon?” A woman in her mid thirtees got out from nowhere. Agad siyang nakangiting lumapit sa akin at niyakap ako. “You're so beautiful. Tama nga sila . . . Spike has a good eye when it comes to girls,” nangingiti pang sabi nito. “Nice to meet you po,” may tipid sa labing sabi ko bago napatingin kay Spike. Ganun pa rin. Wala pa ring ekspresyon ang mukha niya. “Nandito na pala kayo,” salubong din ng lalaki na sigurado akong papa nitong si Spike. “Magandang araw po,” sabi ko. “Halika, hija at may hinanda akong cake para sa 'yo. I baked it especially for you,” nakangiti at excited na sabi ng lola ni Spike saka ako iginiya papuntang kusina. Sumama din sa amin ang mama ni Zoren. “Are you into sweets?” tanong nito. Tumango ako. “Yes po,” nakangiti kong tugon. “I guess we're having a granddaughter, Mama!” she exclaimed. Napataas ang isang kilay ko. “Paano niyo po nasabing babae ang magiging apo ninyo?” I asked in full curiousity. “Dahil mahilig ka sa matamis, hija. Kapag kasi lalaki ang ipinagbubuntis ay mas mahilig ang nanay sa maaasim kumpara sa matatamis. Kaya siguro'y babae ang magiging anak ninyo ng apo ko,” mahabang tugon sa akin ng lola ni Spike. “Aww! I'm so excited!” sabi pa ng mama ni Spike. Para akong nakonsensya while looking at them. They were so excited to meet the baby. I don't understand why Spike did this. Nagsisingulang siya at pinapaasa niya ang sarili niyang pamilya. I'm a spoiled brat, aminado ako roon. Pero hindi naman ako ganito kasama para magsinungaling. Kasi hindi naman ito basta-bastang kasinungalingan lang. May inaasahan silang bata! Paano namin maibibigay sa kanila 'yon? Pinatikim nila sa akin ang cake na gawa nila. Masarap 'yon at halos maubos ko ang kalahati kung hindi lang pumasok si Spike sa kusina. “I'm sorry to disturb you girls but Serra and I have to go.” “Oh! Oras na ba para sa preparasyon? Is everything ready anak?” si Tita Rosella. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nilang preparasyon. Nao-overwhelm ako sa mga nangyayari. “Yes, ma. Aalis na kami ni Serra at pupunta na kaming hotel. Magkita na lang tayo doon.” “Okay, hijo. We'll see you both there.” Nagpaalam kami ni Spike. Maayos ang naging tungo ko sa pamilya niya dahil wala naman silang ginagawang masama sa akin. And besides, si Spike lang naman talaga ang kinaiinisan ko. Ayaw ko nang mandamay pa ng ibang tao. “So what's the plan? I hate being dragged like this. Dinala mo ako sa bahay niyo ng pamilya mo to pretend that I am f*****g pregnant with your child! Seriously, Mr. Guillermo? Are you out of your mind?” bulyaw ko sa kanya pagkasakay namin sa limousine. “Tone down your voice. Ayaw ko ng maingay na babae.” “Well this is me! Maingay ako. So kung ayaw mo sa maingay, you have to eradicate me. Pakawalan mo na lang ako kasi kung pakakasalan mo pa ako, siguradong magtitiis ka buong buhay mo!” Napakamot siya sa noo niya at napilitang harapin ako. “You have to be pregnant. Ang alam nila ay may long time girlfriend ako at nabuntis ko siya. At kailangan naming magpakasal.” “O e bakit ako nasali dito? Nasaan ba kasi ang long time girlfriend mo?” Tamad siyang bumuntonghininga. “Paano ko pakakasalan ang imaginary girlfriend ko when she resides only in my imagination?” “W-w-wait . . . What? Imaginary girlfriend? Wala ka talagang girlfriend?” “I don't have time for that.” Napanganga ako. Paano nangyaring ang gwapong katulad niya ay walang girlfriend? Is he not into girls? Baka bakla? “Are you gay?” Tinitigan niya ako. Pero ang titig niyang 'yon ay nagpapahiwatig ng galit. Kinilabutan ako at napaiwas ng tingin. Damn it! At kailan pa ako natakot sa isang lalaki? This is so not me! “I said I have no time for a relationship. I hate commitments. I hate dramas! Ayaw ko nang kinokontrol ako.” “So why are you marrying me?” “Like I said, I made up a story . . . They want me to be married for them to give me the company and all their assets. Kaya ko ginawa 'yon. I want their money.” “So ginagamit mo ako?” “Exactly.” Sarkastiko akong natawa. “Hindi ako para dito. Hindi ako marunong manloko ng tao.” “You have to. Gusto mong mabawi ang kompanya niyo 'di ba? Ibabalik ko 'yon sa 'yo kapag nagtagumpay ka at maisilang mo ang anak natin.” “Seryoso ka ba d'yan? Magbubuntis talaga ako?” Umayos siya ng upo at kinuha ang ipad niya. Minanipula niya 'yon bago muling nagsalita. “I made you an appointmet to an obstetric gynecologists. We have to make sure that you're capable of conceiving a baby. Tomorrow at two pm.” “Wait. Wait lang talaga! Mag s-s*x tayo?” Nilingon niya ako. “Virgin ka pa?” Napaiwas ako ng tingin. Hindi na! Pero kailangan bang itanong 'yon? At bakit bigla akong nailang? So what kung malaman niyang hindi na ako virgin? “Ayaw ko nang gumastos para lang mabuntis ka. We have to do it in an easy way. Mas madali ang mag s*x kaysa umasa sa siyentipikong pamamaraan para mabuntis. Don't worry, I'm good in bed,” sabay ngisi niya na tulad pa rin sa kung paano niya akong ngisihan. Parang nagtitipid. “At paano ka nakakasigurong magaling ka nga sa kama kung hindi ka nga interesado sa girls?” “Wala akong sinabing hindi ako interesado sa babae. Relasyon ang sinabi ko, hindi babae.” “Bakit hindi na lang ibang babae? Bakit kailangan pang ako.” “Because I know that you're not interested with me. At sa galit mong 'yan, sigurado akong lahat gagawin mo, huwag ka lang ma-in-love sa akin. So kapag naghiwalay tayo, it'll be easy for me.” Binasa ko ang labi ko at hindi na nakapagsalita. Tumigil ang limousine at bumukas ang pintuan sa side ko. Naunang bumaba si Spike. Bumuntonghininga ako bago bumaba. Agad na nanlaki ang mga mata ko matapos makita ang napakaraming camera na nakatutok sa akin. Sanay ako sa camera. I'm a model. Pero sa ganitong ayos? Naka flat sandals ako at makalat ang buhok ko. I look like a mess! Damn it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD