SPIKE GUILLERMO
I am standing behind her back. Watching and listening while she's wailing, bleeding deeply.
I don't even have the courage to hold her. Hindi ko alam kung paano siyang patitigilin sa pag iyak sa harapan ng puntod ng daddy niya. And I don't want her to stop crying either. I want her to cry at ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya so it'll be easier for her to move on.
“Please, Spike. Tanggapin mo ang anak ko bilang kabayaran.”
I gritted my teeth as I shook my head for the nth times.
“Mr. Madrigal, pera ang kailangan ko at hindi ang anak mo. At anong klase kang ama para ipamigay na lang basta ang unica hija mo?”
“Marry my daughter, Spike. Please marry her. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng ipambabayad ko sa 'yo. You need a wife. At mas mapapanatag ako kung ikaw ang magiging asawa ng anak ko.”
Sarkastiko akong napangisi sa kanyang tinuran. “Hindi ka nagbabayad ng utang, Mr. Madrigal. Sa aking pagkakaintindi ay pabor pa sa iyo ang mga nangyayari.”
“My daughter . . . Mahal ang halaga niya para sa akin. Masakit sa akin ang desisyong ito pero wala na akong nakikitang ibang paraan. Please take good care of my daughter. Mahal na mahal ko ang anak ko.”
The supplicant voice of his father seems to resound in my ear. Malalim ang naging pagbuntonghininga ko.
“Daddyyyyy!”
She's a top model. Born with love. Raised with money, dignity, and class. Pero lahat ng 'yon ay biglang nawala. Ang bituing tinitingala ng lahat ay ngayo'y lumuluhod sa lupa at nakikipagbuno sa putikan.
Right at this moment, nakita ko kung anong nawala sa kanya. Nawala ang isang Serra Madrigal.
Buong byahe pauwi sa bahay ko ay tahimik siyang umiiyak. Pagkarating ay nagdiretso siya sa kwarto niya at doon nagkulong.
Gabi na nang naisipan ko siyang katukin pero hindi niya ako pinagbuksan. Hindi siya kumain ng dinner.
Tomorrow came and she's still in her room.
“Breakfast is ready!” tawag ko sa kanya pero walang sumagot. I wonder if she's still sleeping. Napagod yata kakaiyak kagabi.
“I know your tired and exhausted but you need to eat, Serra. Hindi ka nag dinner kagabi!”
Still. Walang sumagot.
Today's the first day of our wedding preparation. Kahit na walang pagmamahal sa pagitan naming dalawa ay kailangan naming panindigan ang pagpapanggap na ito. We need to make this plan work, kahit pa totohanang kasal ang mangyayari.
Sa susunod na linggo ay malalaman na namin kung anong resulta ng pagtatalik na ginawa naming dalawa. Kung may nabuo ba o wala. I just hope na meron na agad para hindi na maulit pa. Iba ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi siya ang unang babae na naikama ko pero siya ang kauna-unahang babae na nagparanas sa akin ng ganito. Iyong tipong gugustuhin kong ulit-ulitin sa kanya 'yon.
Marahan akong napapikit ng mariin. Hinilot ko ang sintido ko bago ko itinaas ang isa kong kamay upang sana ay kumatok ulit. Pero hindi natuloy at nabitin sa ere ang kamay ko nang biglang bumukas ang pintuan.
“Wala akong ganang kumain.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Did she cry overnight? Mugtong-mugto ang mga mata niya.
“O-okay?”
I don't know what to say. Nagulantang ako sa mukhang bumungad sa akin.
She rolled her eyes at padabog niyang isinara ang pintuan.
Magpapaalam pa sana ako na papasok na ako sa trabaho pero huwag na lang. Hindi naman na siguro kailangan 'yon dahil wala naman talaga kaming relasyon. Hindi niya kailangan ang paalam ko.
“Kumusta ang pinapatrabaho ko sa 'yo?” pambungad kong tanong kay Sebastian pagkapasok ko ng opisina.
“Nakuha ko na po ang copy ng CCTV. Kaya pa po sanang iwasan ni Mr. Madrigal ang sasakyan ni Ms. Flores pero hindi niya ginawa. Sa tingin ko po ay sinadya niyang salubungin ang sasakyan nito.”
“Alam ba ito ng mga Flores?”
Umiling siya. “Hindi po. Ang alam nila ay aksidente ang nangyari. Ayon din sa statement ni Ms. Flores sa mga pulis ay siya ang na-overshot. Lumagpas siya sa linya niya. Iyon ang pinaniwalaan ng lahat.”
Tumango ako. Iyon din maging ang paniniwala ni Serra. Na si Terese ang may kasalanan. They failed to see the other side of the accident.
Kung kaya pa sanang iwasan ni Mr. Madrigal ang sasakyan ni Terese pero hindi niya ginawa. Ibig sabihin, desidido siyang magpakamatay sa araw na 'yon.
“Keep your evidences. We might need it someday.”
Tumango si Sebastian. Panandaliang nanatili ang mga titig ko sa kanya bago ako marahang nagbuga ng hangin.
“Kumusta ang kompanya ng mga Madrigal?”
“Sa ngayon po ay pahirapan pa pong makabangon. Marami ang nawala. Paubos na ang investors at halos wala nang nagtitiwala. Lalo pa ngayon at bakante ang upuan ng CEO. Nagpoprotesta na din ang mga empleyado dahil sa ilang buwang sahod na hindi nila natanggap.”
“The CEO position, keep it vacant. I will make Serra the CEO of their own company.”
“Pero, boss paano po ang pagmo-modelo niya?”
“I won't let her go back to Las Vegas. Bibilhin natin ang kompanya nila. And let's make it under the Guillermo group of companies.”
“I will announce it, Boss. Siguradong marami ang magtitiwala ulit sa kanila kapagka nalaman nilang nasa kamay natin sila.”
“Make it happen, Sebastian.”
“Yes, boss.”
“Nga pala, kumusta sa bahay?”
“Kadarating lang po ng kapatid ko. Ibinalita niya sa aking naririnig niya pa rin ang iyak ni Ms. Serra sa kwarto nito.”
“Hindi siya kumain ng breakfast?”
He shook his head.
“Mukhang hindi po. Hindi po nagalaw ang pagkaing iniwan niyo sa lamesa.”
Umigting ang panga ko. Nagpapakamatay ba siya? Balak pa yatang sumunod sa tatay niya.
“Suicidal ba siya?”
Tumaas ang dalawang kilay ni Sebastian sa naging tanong ko.
“Hindi naman siguro, boss? Bakit po? Mukha po ba siyang suicidal?”
“H-hindi naman. Sumagi lang sa isip ko. I just hope she's not.”
Nabuhay nga siya ng ilang taon sa Las Vegas na wala ang daddy niya. Siguro naman ay madali na lang para sa kanya ang mabuhay ulit dito sa Pilipinas. Masarap naman ang inihanda kong pagkain. Bakit hindi niya ginalaw? Tinikman man lang sana.