“And this is Nikolai Delos Reyes,” pagpapakilala sa akin ni Spike sa isang gwapong lalaki. My kind of guy. “Hi, I'm Serra,” sabay abot ko agad sa kamay ko na agad naman nitong hinawakan. “My bride,” singit ni Spike. Kailangan bang sabihin niya 'yon? Ngumiti lang si Nikolai sa akin. Unti-unti ring nawala ang ngiti sa labi ko nang bumitaw siya sa pagkakahawak namin ng kamay. “He's your client, Serra.” Agad akong napalingon kay Spike nang sabihin niya 'yon. Pinagtaasan ko siya ng kilay. At pinagtaasan niya rin ako. Hindi yata na-gets ang ibig kong sabihin. Akala yata niya nagtataray lang ako. “What do you mean?” Kaya ayan! Isinaboses ko na lang. “He's looking for an interior designer para sa bahay niya. He'll be your first project, Serra.” “First project . . .” Nakatulala, hindi maka

