Chapter 10

2475 Words
"I know that I will never find my father in any other man who comes into my life, because it is a void in my life that can only be filled by him." ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ KRISSA's POV. BROOM! BROOM! Pagpapaandar ng sasakyan namin. Pinihit ni Prince ang kamay ko at iniyakap sa kaniya na ikinabigla ko. "Kumapit ka ng maayos, lilipad tayo. Haha, joke lang." pabirong sabi ni Prince sa akin. OMG! Kamukha niya si.. "Lucas?" gulat na tanong ko sa kanya na syang ikinagulat din niya pero nabawi rin ito. "Keen observer ka pala. Yes ako nga. Pwede bang huwag mong ipaalam sa iba ang lihim namin?" nag-aalang sabi ni Lucas. "I'll promise." sabi ko. Napangiti naman siya sa sinabi ko. Salamat talaga. Masaya ako sa pagkakaligtas ng mommy ko. Teka ba't ba parang may malagkit sa kamay ko? Inalis ko ang isa kong kamay sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan kung ano ang malagkit na nararamdaman ko sa kamay ko. O_O > ako D-Dugo.. B-Ba't m-may d-dugo teka kay Lucas bang dugo ito? Nakaramdam naman ako ng pagkataranta sa katawan ko. Okay lang ba sya? 'Sorry, sorry dahil nadamay kayo dahil samin,' gusto kong sabihin 'yun sa kanya kaso nahihilo ako pero pinipilit kong huwag makatulog. "Nandito na tayo," gising sa akin ni Lucas. Nakatulog pala ako? Inalalayanan naman ako nito makapasok sa condo niya. "Ligtas na kayo kaya wala ka nang dapat pang ipag-alala pa," nakangiting sabi ni Lucas sakin na siyang nagpangiti rin sa akin. Everything turned into darkness. EY's POV. Nandito na kami sa condo ni kuya El. Nakita naman namin siyang inaalalayan si Krissa papasok. Ang mommy naman ni Krissa ay inihiga na doon sa kwarto ni Kuya. "Salamat talaga sa niyo, pwede na kayong umalis," sabi ko. "Ay grabe siya, pinapaalis mo na agad kami," nakangusong sabi nito. "Oo kaya alis na." sabi kong muli. Napailing na lang sila at umalis na rin. Kasabay naman nun ang paggising ng mommy ni Krissa. Inalalayan ko naman itong umupo. "Hija, kumusta na kayo? Nasaktan ba kayo? Anong pangalan niyo? Pati na rin 'yung lalaking nagbabantay sa anak ko? Teka paano niyo ba nagawa 'yung kanina? Hindi ba man lang kayo natakot sa ginawa niyo?" Sunod-sunod na tanong ng Mama ni Krissa. Okay, mukhang alam ko na kung kanino siya nagmana 'e mas malala pa sa armalite ang nanay ni Krissa dinaig pa si Glock 9 mag-rap. "Nay, hindi po kami yung nagligtas sa inyo, 'yung mga kaibigan po namin. By the way po, ako nga po pala si Alyn Jane but you can call me Aj for short po tapos po sya si Airam Izzy-Reign naman siya," pakilala niya sabay turo sa akin. "Ey na lang po ang itawag niyo sa kanya para mas maiksi at yung lalaking nagbabantay naman po sa anak niyo ay kakambal po ni Ey, siya po si kuya Lucas Ed-Nielle pero El nalang po itawag niyo rin po sa kanya. 'Yung mga nagligtas po sa inyo ay mga ganster din po at walang kinatatakutan ang mga iyon kaya wag po kayong mag-alala pansamantagal po muna kayong maninirahan dito sa condo ni El para na rin po sa kaligtasan niyo," mahabang paliwanag ni Aj. Tss kung ako siguro ang nagsabi nun hanggang bukas ako magpapahinga nun. Aba nakakapagod kayang magsalita. Ang haba ba naman ng sinabi niya pero ano pa bang aasahan mo sa isang madaldal na katulad ni Aj? Walang kapaguran 'yan. "Salamat pa rin sa inyo dahil isa kayo sa tumulong saming dalawa ni Krissa. Utang na loob ko sa inyo ang buhay ko," naiiyak na sabi ng mommy ni Krissa. Inabutan ko naman siya ng panyo. Kinuha naman niya ito at ipinamunas sa mga luhang umaagos sa kanyang mga mata. Kahit sinong kaibigan ay gagawin ang ginawa namin ngayon. Makita lang naming ligtas ang mahal sa buhay ng mga kaibigan namin ay masaya na rin kami. Ang magkakaibigan ay dapat magtulungan sa bawat problemang dumarating sa buhay nila lalo na sa mga ganitong sitwasyon pero hindi katulad ng sitwasyon na meron kami ngayon. "Ma'am dito po muna kayo mag i-stay ah? Kasi baka balikan nung baliw na ex ni Krissa ang bahay niyo. Mas safe po kayo dito 'wag po kayo matakot dyan lalo na kay Ey 'di lang po talaga ngumingiti yan parang takot sa tao," pang-aasar ni Aj sakin. Tss ako na naman ang nakita ng madaldal na babaeng ito. Nanahimik na nga ako sarap talagang itapon nito sa pasig river. "'Di ako takot sa tao madam sadyang allergic lang talaga ako sa taong panget katulad ng madaldal na babaeng talak ng talak dyan," walang emosyong sabi ko. Nakita ko namang nainis siya sa sinabi ko. -_- > ako "Oh 'wag na kayong mag-away kayo talagang mga bata kayo. Haha, tsaka 'wag nyo na akong tawaging madam, 'di nyo naman ako amo. Tita na lang ang itawag niyo sa akin tutal kaibigan naman kayo ng anak ko diba at saka pinatuloy niyo pa kami dito sa condo niyo," masayang sabi ni tita na akala mo walang pinagdaanang matinding kaguluhan kanina. Okay, tutal madali lang naman akong kausap edi tatawagin na siyang Tita. Baka humaba pa ang usapan at isa pa, hindi naman kami nag-aaway 'e natural na talaga samin ni Aj ang mag-asaran sa isa't-isa. Ang problema nga lang ay lagi siyang talo. (-_-) "Sige po tita. ^_^" nakangiting sabi ni Aj. Yeah! Lawak ng ngiti niya men kasing haba ng traffic sa Edsa. "Hmm teka? ano 'yung fullname nyo?" patatanong ni Tita. Okay lang yan. Siguro naman hindi na kami makikilala ni Tita 'e damatads na yan kaya wala na siguro siyang alam sa mga showbiz at saka mukhang mapagkakatiwalaan naman si Tita kaya kahit sabihin namin ang sikretong meron kami ngayon ay sigurado akong hindi niya iyon ipagsasabi. "Pati middle name ba Tita? Haha," pabirong tanong ni Aj. "Yep!" seryosong sagot naman ni Tita. Kahit kailan talaga ang sarap batukan nitong si Aj. "Ah, okay po hehe. Alyn Jane Alcantara Shiaz ang totoong pangalan ko Tita," pagdadalawang isip na sabi ni Aj. "I'm Airam Izzy-Reign Mizu Park and 'yung twin brother ko naman is Lucas Ed-Nielle Mizu Park," straight-forward kong sabi. Pumunta naman ako sa ref malapit kay Aj at kumuha ng maiinom. "TAMA! SABI KO NA! KAYO NGA YUNG SINGER-MODEL 'E! Sina Izzy Mizu, Jane Alcantara at Nielle Mizu! Naku, IDOL KO KAYO! SABI KO NA 'E kamuka niyo kasi sila!" sigaw na pagkamangha ni Tita. Sa sobrang gulat ko ay nabuga ko ang tubig na nasa bibig ko. Si Aj naman ay halos muntik nang matumba sa kinauupuan niya kaya ayon, sa kanya ko nabuga yung tubig. Ang masaya pa nun ay sakto sa mukha nya ang pagtama ng tubig. 'Di ko kasalanan. Kung 'di sya pumwesto na ganyan na umarte pang malalaglag edi sana 'yung mesa lang yung mababasa. ( ako. Iwas ng tingin sa kanya. ( >' aj "Haha!" malakas na tawa ni Tita habang nakapeace ito kay Aj. "'Di ko sinasadya. Nabigla lang ako." walang ganang sabi ko habang nakatingin sa malayo dahil iniiwasan ko siyang tingnan dahil alam kong magpapacute na naman siya kahit hindi bagay sa kanya. "Tama kayo Tita, kami nga 'yun." malungkot na sabi ni Aj. Napatingin ako sa kanya dahil hindi ako sanay na marinig ang ganoong tono ng boses niya. Kahit ganito naman kalamig ang pakikitungo ko sa kanya, mahal ko pa rin 'yang babaeng 'yan at ayaw kong may nananakit sa kanya. Nilapitan ko siya at ako mismo ang nagpunas ng basa sa mukha niya gamit ang damit ko dahil wala akong panyong dala. Napangiti naman siya sa ginawa ko. Napatigil na lang ako sa ginagawa ko nang biglang sumigaw si Tita. "Wow! *0*" Tita in weird position. Nasa lahi na siguro nila ang pagiging weird at malalakas ang boses. Medyo nakakairita pero wala akong magagawa, ginusto mo ito Ey kaya pagtiisan mo. -___- Totoo 'yung sinabi ni Tita na model at singer kami. Tumatanggap lang kami ng projects pag walang klase o pag nabobored kami. Minsan, bigla na lang tumatanggap 'yung manager namin ng alanginin kaya minsan wala rin kami sa klase. "He - he - he," alanganing tawa ni Aj at nagkakamot pa. "TEKA! TEKA! EDI IKAW ANG MAY-ARI NG SCHOOL NA PINAPASUKAN NIYO?" pasigaw na sabi ni Tita. /-_- Grabe 'yung lakas ng boses niya akala mo nasa kabilang dulo 'yung kausap niya, parang nasa kabilang dulo kami. Hindi ba pwedeng hinaan? Hindi ba uso sa kanila 'yun? -_- "Hindi po ako 'yun, si Kuya 'yun," malamig na turan ko at walang buhay na itinuro si Kuya El. Ang bobo kong Kuya. -_- Tss nagpasaksak pa sa mga goons na 'yun. And I smell something fishy about my Brother and Krissa. You're a casanova Kuya. 'Wag naman sanang isama sa collection mo si Krissa dahil pag nangyari 'yun, kakalimutan kong kapatid kita. Ako mismo ang puputol sa kaligayahan mo. Sa'ming dalawa, si Kuya El ang humahawak ng mga paaralan while Me, mga resto at hotel ang hawak ko na ako mismo pa ang nag-suggest kay Mama dahil pangarap namin itong dalawa ni Daddy. Father.. Napagitla na lang ako dahil naalala ko na naman ang taong pumatay sa aking ama. Kailan kaya tayo magkikita? Sisiguraduhin kong pag nagkita tayo, hindi ka na makakaalis ng buhay. Pinapangako ko 'yan! "Ah ganun ba? Hehe," nakangiting sabi ni Tita. "Yep tita! Sige mag luluto na ako kasi yung iba dyan 'di po marunong mag luto hahaha," nakangising sabi ni Aj habang nakatingin sakin. 'E sa hindi ako marunong magluto 'e. Ayaw sa'kin ng pagluluto. Mahilig akong kumain pero hindi sa pagluluto. Kahit gustuhin ko pang magluto, ang kusina na mismo ang susuko sakin. Siya mismo ang unang sasabog bago ang sakit ng ulo ko. Pati nga paghuhugas hindi ko alam 'e. "Sarapan mo!" tanging nasabi ko. Masarap naman talaga siyang magluto 'e pero mas masarap nga lang luto ni.. ni ni Da-daddy -'- Tumingala ako, feeling ko kasi maiiyak ako. Daddy! I miss you so much. Malapit na tayong magkita Daddy hintayin mo ako dyan ah. Humiga ako sa sofa. Hindi ko alam pero sa tuwing naalala ko talaga si Daddy ay parang gumuguho ang mundo. I really miss him so much. "Tita mag pahinga muna kayo sa loob. Gisingin ko na lang po kayo kung kakain na tayo," sabi ni Kuya na kalalabas lang sa kuwarto na pinagpapahingahan ni Krissa. "Sige!" sabi ni tita. Tumango ito at pumunta na sa kwarto. Nadama ko namang tumabi ito sakin. Hinipo nya ang buhok ko at sinuklay ito na syang palagi niyang ginagawa pag nakikita niya akong ganito na tumitingala at pinagmamasdan ang mga kisame o kaya ang langit. Kilala na talaga niya ako. "Namiss mo ulit sya?" malambing na tanong sakin ni Kuya. "Yeah," sagot ko. Ano pa bang bago? Hays. 'Di ako nakakapag sinungaling pag ganito kay Kuya kasi kilalang-kilala na niya ako. Syempre twin kami, nararamdaman niya ang nararamdaman ko. Pag nagkaroon din kayo ng kambal ganyan din ang mararamdaman niyo. "Sige na twin ko, kung naiiyak ka iiyak mo lang 'yan. Diba sabi ni Daddy na kapag nasasaktan ka ilabas mo? Iiyak mo 'wag mong pipigilan ilabas." aniya. "Iiyak? Tss, ubos na ata ang luha ko Kuya." malungkot na sabi ko sa kanya at niyakap ko na siya. "Are you sure?" alalang tanong ni Kuya El habang hinahagod ang buhok ko. "Yeah," tipid na sabi ko. Kumanta si Kuya katulad ng kinakanta sakin ni Daddy pag nalulungkot ako na siyang agad na ikinatulog ko. Papikit-pikit na ako na parang nilalabanan ko ang antok ko pero.. BZZZZZTTTTTTT... BZZZZZTTTT... "s**t! Nandun na 'e! Makakatulog na ako 'e. Bwisit na cellphone na 'to," nasabi ko nang mabigla ako sa gulat dahil sa pag vibrate ng cp ko. 'Di kasi ako sanay na vibrate 'e kundi lang dahil sa plan namin. Unknown calling... "Who the hell is this?" iritang tanong ko sa unknown caller. Kung kailan naman nagpapahinga na ako saka may tatawag na 'di ko pa kilala. [Woooh chilax lang! Si Dyrlle 'to, ipapa-alala ko lang 'yung practice natin bukas, 'wag mong kakalimutan.] sabi sa kabilang linya. Saan naman nakuha ng gunggong na ito 'yung number ko 'e wala pang nakakaalam nito maging sina Krissa hindi nila alam. "Tss 3 p.m. sharp nandyan na 'ko," inis na sabi ko rito. [Teka, bakit naman hapon pa? Pwede namang umaga,] iritang sagot sa kabilang linya. "Tss may jetlag ako and I need to rest para makapag-ready ako sa walang kwentang practice na 'yan," pagdadahilan ko. Alangan namang sabihin ko 'yung pinaggagawa nila kanina 'e halos wala naman akong itinulong dahil sila Princess lang naman ang gumalaw at hindi kami. Nag-antay lang kami dito sa bahay dahil alam namin na dito sila dadalhin. Hays. Siguro naman ngayon pa lang alam niyo na kung bakit nakahingi kami ng tulong sa kanila at kung bakit kay El dumiretso si Kuya. Dahil nga isa si Kuya sa kanila. Isa rin 'yun sa dahilan kung bakit kailangan naming maging ganito dahil pinoprotektahan kami ni Kuya. Nahinto ang pagmumuni-muni ko nang biglang nagsalita ulit ang gunggong. [Okay, okay! Tulog na. Sleep well, sweet dreams. Text ko na lang sayo yung address namin baka masyado kang pagod kaya sobrang init ng ulo mo.] sabi naman nito. Sasagot pa sana ako nang bigla na lang nitong ibaba ang tawag. Aba napakabastusin naman pa lang bata nitong gunggong na ito. Tss >.< 'E kung pinuhin ko kaya sya o konyatan ko kaya 'to sa bunbunan o 'di kaya sapakin sa fallopian tube. Tss. Ibinato ko na lang sa lamesa ang cp ko sa inis. "Oh sino 'yun?" takang tanong ni Kuya El sakin. "Tss yung gunggong nating kaklase, 'yung isa sa kagrupo niyo." walang ganang sabi ko. Agad namang napakunot ang noo ni Kuya na waring iniisip kung sino sa mga kagrupo niya ang gunggong na sinabihan ko. Makaraan ang ilang segundo, nabigla na lang ako sa malakas na pagtawa niya na ikinainis ko. Nawawala na naman kasi ang antok ko. Nang mapansin niya ang mukha kong 'di na maipinta, agad naman siyang napatigil at bumalik sa pagkaseryoso. "Okay sige, matulog ka na ulit. Kakantahan na lang ulit kita para mabilis kang makatulog at sana pag gising mo makalimutan mo muna ang nakaraan," Sana nga Kuya, sana nga. Nagsimula na siyang kumanta, at dahil sa kantang iyon, tuluyan nang pumikit ang mga mga mata ko. EL's POV. "Sana mawala na lahat ng galit diyan sa puso mo. Natatakot ako na baka dahil sa paghihiganting gusto mo ay masaktan ka. Mahal kita Twin ko, kahit na lagi mo akong tinatakot na hindi mo na ako kikilalaning kapatid." sabi ko kasabay ng pagbuhat ko sa kaniya at dinala ito sa upuan na lagi niyang pinagtutulugan pag nandito siya. Hindi, hindi ko papayagang may mangyari sayong masama. Pangako 'yan. Hinalikan ko ito sa kaniyang noo bago ako tuluyang umalis. ----------------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD