CHAPTER 12

2538 Words
-------------------------------------------------------------- "Old as she was, she still missed her daddy sometimes." ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ DYRLLE's POV. "Unnie? Can I ask something?" alanganing tanong ni Medeline kay Airam. Wala talagang kahihiyan 'tong kapatid ko sa mga kalokohan nya. Ano na naman bang itatanong nitong pasaway na 'to? "What is it?" Airam with no emotion. Nothing changed, laging malungkot. Ba't nga kaya? Oo, malungkot siya. May pag kacold siya pero ramdam mo ang lungkot ng bawat bigkas ng mga sinasabi niya. Kung keen observer ka at tututukan mo siya, malalaman mo ang totoong pinapahiwatig ng boses nya. Huwag kayong mag-isip ng malisya, keen observer lang ako. 'Di ako nakatutok sa kaniya tss. Ayts, ba't ba ako nag-aabalang mag explain sa sarili ko? Pero naguguluhan talaga ako sa pagkatao niya. Nakakacurious, 'yung tipong mapapa-isip ka talaga kung ano at sino ba talaga sya. Anong dahilan sa likod ng pagiging malungkutin mo at ayaw mo ngumiti? Curious lang ako. Bakit ipinagdadamot mo sa sarili mo ang pag ngiti na nararapat sayo? Bagay man sayo ang nakasimangot pero mas bagay sayo ang nakangiti, swear! Kayo ba, anong gusto niyo ang nakangiti siya o nakasimangot? Aytss ano bang nangyayari sakin? Nababaliw na ata ako. "Oppa said that you're not smiling even a little bit, no emotion, you're always cold to others, wae?" tanong ni Medeline kay Nerd na panget. "Do you really want to know the truth?" yumuko si Airam para makapantay si Medeline at hinawakan ang dalawang balikat ni Medeline. Seryosong seryoso ang mukha niya at mukhang may balak talaga siyang sabihin ang totoo sa kutong lupa kong kapatid. Nakatitig lang siya ng seryoso na parang naiiyak habang kaharap ang kapatid ko. Para bang nakikita niya ang sarili niya sa kapatid ko. Ang nakakabigla lang sa lahat ay may nagbago sa reaction niya. Kung kanina ay seryoso lang sya, pero ngayon halo halong emotion ang makikita mo sa mata niya. Tama ba 'yung nakikita ko? O Namamalikmata lang ako? Nagpakita sya ng ibang reaction sa ibang tao. Diba ayaw niyang may makakita nun? 'Yun ang sabi sabi ng mga dati niyang nakasama. Sabi pa nga nila, hindi talaga sya ganyan dati kaya masyadong interesting ang buhay niya. Mukhang mahaba-habang kwentuhan ang magagananap. Napatigil ako sa pakikipag-usap ko sa sarili ko nang mapansin ko ang mata niya na may mamumuong tubig sa kanyang mata. Pero halatang pinipigilan niya 'yung luha na yun pero bakit naman ganun ang reaction niya? Ano ba talaga ang nangyari sa kanya sa nakaraan? "Of course, yes Unnie! ^_^ " masayang sigaw ni Medeline. Excited malaman ang nakaraan niya pero parang 'di ata magandang pag-usapan 'yan lalo na kung ganyan ang kalagayan niya, baka 'di niya kayanin. Hoy, hindi ako concern sa kanya. Baka kasi bigla siyang maging maging dragon dyan, kainin pa niya ang kapatid ko. Nagulat kaming dalawa nang biglang sumigaw ng malakas si Madeline. Baka naman mabingi nyan si Airam sa sobrang lakas ng sigaw ng katapid ko. Kita ko kasing napapikit siya 'e. "Okay, listen carefully." ngumiti siya ng mapait, "Do you believe in angel?" seryosong tanong nito sa kapatid ko. Halos walang kurapan ang titigan nilang dalawa at wala ni-isang may balak kumurap sa kanila. Mukhang ayaw ng kapatid ko na palagpasin ang bawat reaction na ibinibigay ni Airam sa kanya. "Of course Unnie. I do believe in angel, they are my savior." nakangiting sagot nito sa tanong ni Airam. Napayuko ito sandali pero agad din naman niya inangat ang kanyang ulo. "I have an angel.." Napangiwi ako. Hays ang tanda na pero may pagka-isip-bata pa rin pala siya. "..before. Funny isn't? But for me, he's really an angel. He's my angel, he's my everything, and he is my savior from the very start." aniya at biglang huminga ng malalim. Napangiti siya ng mapakla, marahil bigla syang may naalala sa nakaraan niya. Pero ano bang pinagsasasabi niya? Hahaha. Angel? Hahaha, funny! At her age, naniniwala siya na meron siyang ganun? 'E ang makakita nga ng anghel ang hirap na, guardian angel pa kaya? Hahaha. Nasisiraan na ata siya ng ulo sa sobrang tahimik niya 'e. Baka naman baliw lang talaga sya hahaha. "My angel always protect me and he always wants to make me happy. My guardian angel is my Daddy, he is my protector since I was a child like you. Same age as you, I was bullied because I get everything they want. Lahat ng gusto nila meron ako noon, even being top on academics. My Dad always taught me na kahit anong mangyari, be humble and respect their decision. Ako na lang daw ang umintindi sa kanila and he also taught me to smile because smile can bring us long life so that I always smile even if have a big problem and even I've been bullied many times," huminga muli siya ng malalim. Datapwa't mas malalim ang pag hugot ng hininga niya ngayon kaysa kanina, ramdam ko ang kalungkutan sa bawat pagbigkas ng mga salita sa bibig niya. Mas lalo kaming naging tahimik ni bunso, nakikinig sa mga kwento niyang pati ako nahahawa sa kalungkutang pinupukol ng mga mata niya maging ng boses niya. Parang bata pa lang siya sobrang bigat na ng problemang dinadala niya. Kung ibang bata ang magiging ganyan siguro hindi nila kakayanin ang ganun at kaya siguro siya naging ganyan kasi napuno na siya sa mga nambubully sa kanya. Napansin kong mas lalong lumungkot ang mata nya at medyo namamasa masa na ito, marahil dala ng kalungktan. Ito ang unang beses na nagpakita siya ng ganitong emosyon. "My emotion is depends on my angel, he cares for me, he's always there if I have any problem. Iiwanan nya ang trabaho nya for me. Kahit madaming nambubully sakin before, si Daddy lang ang takbuhan ko, papatawanin nya ako. He taught me how to be a joker kasi daw mas masaya pag marunong ka ng mga bagay na 'yun dahil mas masaya daw kapag ikaw ang nagpapatawa sa mga kaibigan mo. I had too many friends before pero hindi na ngayon, takot na sila sakin." dugtong nya at biglang yumuko. Nag indian sit na siya. Tama naman ang angel nya so ba't 'di nya sinisunod lahat ng 'yun diba? Bakit malungkot pa rin siya? "And one night, an accident happened. We're both happy that night because it's my birthday but there's a group of boys na humarang samin. Tumakbo kami ni Daddy nun at bigla nya akong iniwan sa isang hidden place. Kita ko pa rin ang daddy ko nun, he's running along the road pero inabutan siya ng mga lalaking 'yun. Pinagsasapak siya, pinagtatadyakan, pinagmalupitan at pinagsasaksak siya. Walang kalaban-labang pinatay nila ang Daddy ko. Gusto kong puntahan ang daddy ko pero I saw him na sinasabing 'wag akong lalabas sa pinagtataguan ko. I'm a useless child, hinayaan ko ang angel kong mawala. Akala ko dati natutulog lang siya pero time by time pinaintindi nila sakin ang totoo at unti-unting nadurog ang puso ko. Hindi ako naniniwala sa sinasabi nila kaya I promised to myself, hanggang sa hindi pa bumabalik ang daddy, walang kayang mag patawa sakin, walang pupunas sa luha, walang magtuturo kung paano mag patawa, hanggang sa nasanay na ako na hindi tumatawa, umiiyak at iba pa. Nang mga oras na 'yun hindi ko alam kung bakit kami hinahabol ng mga lalaking 'yun kaya gusto ko silang makita. Gusto ko silang makausap kung bakit ginawa nila ang bagay na 'yun," dugtong nya. 'Di ko namalayang tumulo na rin pala ang luha ko pero siya hindi. Kahit si Medeline rin ay umiyak na. Alam naming mahirap mawalan ng mahal sa buhay pero iba ang kanya. Siguro natrauma siya sa mga nangyayari noon, siguro katulad siya ni Alyn before. Edi sana 'di na siya nakakulong sa kalungkutan. "Unnie *sob* sorry to *sob* hear that.." mangiyak ngiyak na sabi ni Medeline. Ngayon alam ko na lahat, siguro 'wag ko na muna ituloy ang plano ko. "Don't cry Medeline, do you want me to hate myself?" Airam. "Hala! No, no Unnie! I smiled na oh!" :) Medeline sabay punas ng luha nya. Sana bumalik ang dating saya niya. "Good." Airam. "Unnie!" sabay takbo pataas kasi kinuha nya yung salamin ni Airam na ikinagulat nya. O _ O > Airam. Ang cute nya! "Peace Unnie! I just want to see your face without glasses and you're so beautiful! Why did you hide those? You look like Izzy Mizu, by the way she's my idol." masiglang sabi ni Medeline kay Airam. Si Airam mas lalong natulala. Hala baka walang makita yan kaya ganyan. Tumayo na si Airam nang matauhan sya. "Ano tatayo na lang ba tayo dito? Tss umpisa na tayo," bigla syang tumayo at nauna pang naglakad sakin. Feel at home ang peg niya. "Sige, tara sa music room ko dito sa kabila. Mali daan mo," yaya ko sa kanya. "K," sabi niya at sinundan niya ako. Sigurado akong namamangha sya dahil ngayon lang sya makakakita nito hahaha mainggit ka. Nakarating na kami sa music room. Wow! Ako pa pala ang magugulat dahil hindi man lang niya nilingon lingon ang paligid ng room ko. Talagang dumiretso sya sa kinaroroonan ng drums. Feeler din pala 'to, feeling kaya mag drums. Patawa haha. Ang hirap kaya mag drums, ilang taon kong pinag-aralan yan. "Tss think, think a song that we need! Faster!" utos nya. Ako pa talaga ang mag-iisip ah? Okay! Isip! Isip! Isip! Isip! Isip! "Tatlo diba?" ako. "Tss oo dali," sya. Kawawa talaga mapapangasawa nitong babaeng 'to. Cold hearted girl. Hmm, tutal mahilig siya sa angel, ba't hindi na lang angels cry? Kaso 'di na nga raw siya iiyak 'e pero okay na 'yan maganda namang iduet 'yan 'e. Ano bang bagay sa kanya? Hmm ang hirap naman kasi 'e. Yung matataas kaya? Wag, masyado naman akong hard sa kanya haha. Only hope na lang masyado syang malungkutin 'e. Yung akin naman, hmm, sige para sa kanya na lang din ang angels brought me here. Malay mo pwede namang magkaroon ulit siya ng angel like her father nang makangiti naman sya ulit. "Angels cry duet natin, yung akin angels brought me here, tas 'yung iyo an---" naputol ang sasabihin ko kasi bigla siyang nag salita. "Tss, puro angels talaga? Tss only hope yung akin." sya. -__- O_o > ako. Parehas pa kami ng iniisip para sa kanya. Nabasa ba nya yung nasa isip ko? "'Yun nga sana ang irerequest ko sayo 'e." ako. "Ah ganoon ba? Sige hero na lang ang akin," sya. Tsk. Ang sungit talaga nito 'e, teka ba't hero diba panlalaki yun? "Tss kanta 'yun ni mariah carrie, hindi ng shamrock tss." sya. Wow! Nabasa niya nasa isip ko. "Wag na, mas bagay sayo yung only hope," ako. Totoo namn 'e mas babagay sa kanya. Mababa lang naman 'yun 'e kaso ang problema, paano yung piano? Baka ako lang ang gumawa nun. Buti na lang pala tag-dalawa ang gamit ko dito. Sana may alam siya. Tumayo naman siya at pumunta sa kinaroroonan ng piano ko. HOY! PIANO KO YAN! DUN KA SA PINK 'WAG DYAN SA GREEN! NAMAN OH! Kung 'di ko lang bisita to tsk. MAS MAGANDA PAG BWISITA NAMAN! Nagsimula na siyang tumugtog na nagpanganga sa akin. Ten ten ten ten~ tenn~ "Wow! marunong ka pala nyan!" mangha kong sabi. Syempre 'di na ako mahihirapan mag pyano mag-isa haha. "Tss gunggong talaga," siya. Gunggong?! Hindi ako fish argh! Naman oh, sa gwapo kong 'to magmumukha akong isda? Sana pala hindi ko narinig yung usapan nila Manang Gee about dun sa isdang yun. Nabanggit dun 'yung gunggong 'e naman. ---____--- "I'm not a fish," mahina kong sabi. "Gunggong talaga," sya. Narinig pala nya. "I heard that." ako. "So?" sya. Waaaah! Don't mind her, focus to that freaking practice na lang. "Are we gonna continue this f*cking conversation or magpa-practice tayo?" dagdag nya. Did she cussed? Naku naman, baka marinig ni Medeline na minura niya ko. Naku, I'm really sure na pagtatawanan na naman ako nun at iku-kwento kay Daddy! >._> sya. YES! Sobrang saya Dyrlle? Hell no! Mabuti naman kasi 'di masasayang yung luto ni Manang Gee, tama yun nga at wala nang iba tsk. Wag ka na mag-isip ng kung anu-ano. Arggghhh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD