CHAPTER 38

2042 Words

NAPA-TAYO ako sa pagkakaupo sa sofa. Biglang nangmanhid ang buong mukha ko dahil sinapian na lang ako ng sandamakmak na kaba. “N-Nasaan s’ya?” Hindi ko maiwasang mautal dahil halos lalabas na ang puso ko sa lalamunan. “Sa labas po ng gate. Hindi po kasi kami basta-bastang nagpapapasok.” Bumuga ako ng malalim na hininga para kumalma. ‘Pag nakita nilang nagpapanic ako, baka mas lalo lang akong paghinalaan. Matigas akong tumikhim. “Sige, lalabas ako. Ako na ang bahalang humarap sa kan’ya.” Kahit gusto kong kumaripas ng takbo palabas ng kusina, lumakad lang ako ng normal habang nararamdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko. “Okay po, babalik na ako sa work ko.” Sumangayon na lang ako sa pagpapaalam ni Violet. Nauna s’yang lumabas bago ako. Naagaw ko agad ang pansin ng mga kasamahan ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD