CHAPTER 09

977 Words
“HINDI! Hindi niyo makukuha ang tiara of Ezana! The two of you can leave now!” maawtoridad na sabi ni Rodoro Madrigal. Hindi na nagpumilit ang dalawa. Malaking tao si Rodoro at para silang bumangga sa pader pag kinalaban nila ito. SAMANTALA, sa bahay ni Owen... Nanatili sa loob ng kanyang silid si Owen. Nakaupo sa kama at malilikot ang mga mata. Tinatalasan din niya ang pakiramdam. Ang dating mukhang puno ng sigla ay nilukuban at takot simula nang magumpisang magpakita sa kanya ang babae sa salamin. Dalawa lang ang hula niya kung sino ito. Si Ezana, dahil sa kinuha nila ang tiara nito o si Maya, dahil sa pagtatraydor na nagawa nila dito. Pero wala siyang pakialam kung sino man ito, ang tanging nasa isip niya ay ang kanyang kaligtasan. Kahit sa maliliit na kaluskos ay nagugulat si Owen. Sandali siyang tumayo upang maghilamos ng mukha. Labis ang init na nararamdaman niya dahil kulong na kulong siya sa kanyang kuwarto. Maging ang malaking salamin sa banyo ay tinakpan niya ng packaging tape. Binuhay niya ang gripo at pumikit habang hinihintay na mapuno ng tubig ang sink. Kailan kaya matatapos ang lahat? Sana ay makahanap ng paraan sina Jonas. Napapitlag siya sa paglagaslas ng tubig. Puno na pala ang sink kaya agad niyang pinatay ang gripo. Napatingin siya sa sink na punong-puno ng tubig. Namasdan niya ang kanyang repleksiyon at huli na para bawiin niya ang kanyang tingin doon. Muli na naman niyang nakita ang babae! Nakalapit na ito sa kanya at nahindik siya sa hitsura nito. May ibinulong ito sa kanya... “Mamamatay ka na... Malapit na!” Pagkasabi nun ng babae ay malakas na sumigaw ito. Tumatagos sa laman ang matinis nitong pagsigaw. Tinakpan ni Owen ng kanyang mga kamay ang dalawa niyang tenga. “Tumigil ka na!!!” Malakas niyang sigaw habang mariing nakapikit at sa pagmulat niya ay wala na ang babae. Hanggang sa marinig niya ang pagbukas ng pintuan ng kwarto. Papaanong nabuksan iyon gayong naka-lock iyon? MARAHANG lumabas ng banyo si Owen. Pinapawisan siya ng malamig at nanginginig ang buo niyang katawan dahil sa takot. Tama nga ang hinala niya, nakabukas nga ang pintuan ng kwarto niya! Mataman niyang tinitigan ang pinto at napapitlag siya ng marahas na sumara iyon. Hindi maaaring hangin ang may kagagawan niyon dahil hindi mapapasukan ng hangin ang kwarto. Lahat ng bintana roon ay nakasara! “U-malis ka na! Hindi ako natatakot sa'yo!” Kulang sa tapang na sigaw ni Owen dahil kahit ang boses niya ay nanginginig na din. Biglang sa kung saan ay may mabilis na tumakbo at nahagig ng mata niya na sumuot iyon sa ilalim ng kama. Nahihintakutang napatingin si Owen dahil bahagyang gumalaw pa iyon pero tumigil din kaagad. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong kwarto at ang tanging naririnig ni Owen ay ang sariling t***k ng kanyang puso. Marahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa papalapit sa kama. Hindi niya inaalis ang nanlalaki niyang mata sa kama dahil alam niyang nasa ilalim noon ang “nakita” niya kanina. Ewan niya kung bakit niya naisip na lapitan pa ang kama. Ang dapat niyang gawin ay tumakbo pero hindi! Hindi siya mapapakali hanggat di niya nasisigurong umaalis doon ang babaeng yun. Pamamahay niya ito at kung may dapat man na katakutan dito walang iba yun kundi siya. Sandali siyang tumigil nang sa wakas ay nasa harapan na siya ng kama. Yumukod siya at hinawakan ang laylayan ng kobre kama at mabilis na sumilip sa ilalim ng kama. Wala siyang nakita. Hanggang sa may naramdaman siyang likidong pumapatak mula sa itaas. Hinawakan niya ang kanyang batok na napapatakan ng likido. Malapot ang likido... Dugo! Nahihintakutang tumingala si Owen at ganun na lang ang sigaw niya nang makitang andun yung babae! Nakalutang ito pahiga at nakadigit sa kisame. “Aaahhh!” Sigaw niya nang makitang papabulusok ito sa kanya. Nagbabaga ang mga mata nito at nakangisi sa kanya. MULA sa itaas ay mabilis na bumagsak ang babae. Napayuko si Owen pero wala siyang naramdamang bumagsak sa kanya. Lumingon-lingon siya sa paligid, wala na ang babae. Nakahinga siya ng maluwag. Nanghihina siyang napaupo habang habol ang kanyang hininga. Natigilan siya ng makita niya ang kanyang braso... Nangingitim ang mga iyon! Tumayo siya at tiningnan ang repleksiyon sa malaking salamin at ganun na lang ang pagka-gimbal niya ng makita ang kanyang hitsura. Kulay itim ang buo niyang katawan. Kinapa niya ang kanyang likuran dahil may naramdaman siyang pananakit doon. At may nakapa siyang bukol. Hinubad niya ang kanyang t-shirt at tiningnan sa salamin kung anong meron sa likod niya at di nga siya nagkamali dahil sa pulos bukol nga ang naroon! Gumagalaw ang mga bukol at parang anumang oras ay puputok na ang isa sa mga iyon. Labis ang pagkagimbal ni Owen. Maya-maya nga ay pumutok na ang mga iyon at umagos mula roon ang malapot, mabaho at manilaw-nilaw na likido. Sa kung anong di malamang dahilan ay nangati ang kanyang pisngi kaya mariin niyang kinamot ang bahaging iyon ng kanyang mukha. Sa mariin niyang pagkamot ay napuknat ang balat niya sa pisngi. Pati braso niya ay nakamot niya rin at ganun din ang nangyari pero ngayon ay kasamang natanggal ang laman doon. Naghisterikal na siya. Tila isa nang napakalambot na bagay ng kanyang balat. “T-tulong... Tulungan niyo ako...” aniya sa paos na boses. Hindi niya alam pero di niya magawang sumigaw dahil tila may nakabara sa lalamunan niya. Hindi siya nawalan ng pag-asa. Kailangan niyang makalabas ng silid niya upang makahingi ng saklolo. Nag-umpisa siyang maglakad papunta sa pintuan pero parang napakabigat ng kanyang mga paa dahil bahagya niya lang iyon naiaangat. Habang hirapang naglalakad ay sabay noon ang pagkatumba niya. Sumuka siya ng sandamakmak na dugo. Walang tigil ang pagsusuka niya pati yata mga lamang-loob niya ay sinuka na niya. Kumisay-kisay siya hanggang sa tumigil na ang kanyang paghinga...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD