CHAPTER 05

676 Words
LABIS ang pagka gimbal ni Tommy. Sobrang lapit na ng babae sa kanya. Mas nakikita na niya ang anyo nito ngayon. Nakakatakot ang mga mata nito na walang itim. Medyo distorted ang mukha nito. Pero bakit ganun? Pag tumitingin siya sa kanyang likuran ay wala siyang nakikita. Tanging sa repleksiyon niya lang ito nakikita. At may binubulong pa ito. Parang nanggagaling sa ilalim ng lupa ang boses nito. “Andyan na... Malapit na... Mamamatay ka...” Paulit- ulit na inuusal ng babae habang marahang lumalapit kay Tommy mula sa likod niya. “Aaaahhh!” malakas na napasigaw si Tommy at mabilis na lumayo sa salamin. Hindi makapaniwala si Tommy sa mga nangyayari. Sino ba ang babaeng nagpapakita sa kanya sa pamamagitan ng mga bagay na may repleksiyon? Mabilis niyang inayos ang sarili dahil makikipagkita pa siya sa kanyang mga kaibigan. Sa paglabas ng bahay ay panay ang iwas niya sa mga bagay na makikita niya ang kanyang sariling repleksiyon. Nag-commute na lang siya papunta sa restaurant upang makaiwas sa mga salamin sa kotse niya. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung sinong babae ang nagpapakita sa kanya. Ligtas siyang nakarating sa restaurant. Agad siyang nakita nina Jonas, Owen at Bella. Masayang nagkumustahan ang apat. “Bakit naman parang balisa ka, Tommy?” puna ni Jonas sa kaibigan matapos nilang umorder. “Ah-eh... Wala to, Jonas. Alam mo na jetlag. Hindi ko akalain na kayo ni Bella ang magkakatuluyan…” ayaw muna niyang sabihin ang tungkol sa babaeng nagpapakita sa kanya. Si Owen ang biglang sumagot. “Naku, Tommy wag ka nang magtaka. Ang dali ngang makapag-move on ni Jonas sa pagkamatay ni Maya eh!” natatawa pang saad ni Owen. Natahimik ang lahat sa sinabi ni Owen. “I think it would be better kung di natin isasali sa usapan ang taong wala dito…” pagpaparinig ni Bella kay Owen. Tila naman napahiya si Owen kaya natameme ito. “Bakit nga pala bigla kang napauwi dito sa Pilipinas?” tanong ni Jonas kay Tommy. “Nakakasawa na ang happy-go-lucky lifestyle sa Las Vegas eh. Gusto ko sanang magtayo ng negosyo,” sagot ni Tommy. “Good thing at natauhan kana rin… We'll help you sa pag-iisip what business suits you,” ani Jonas. Dumating na ang waiter dala ang wine at mga kopita. Isa-isang sinalinan ni Bella ang mga baso. “Cheers!” masaya nilang sigaw. Iinumin na sana ni Tommy ang alak nang mapatingin siya sa hawak na baso. Nakita niya ang sariling repleksiyon doon at nakita nyang muli ang babae. Sa pagkakataong ito ay malapit na malapit na ito sa kanya. Naka-stretch ang braso nito na parang gusto siyang hawakan. Malaki ang pagkakabuka ng bunganga nito at may dugong lumalabas mula roon. Sa sobrang takot ay nabitiwan ni Tommy ang kopita. Tumapon ang laman noon sa mesa. “Tommy, what’s wrong?” nag-aalalang tanong ni Bella. “Wag niyo akong hawakan!” sigaw niya ng hawakan siya ni Owen sa balikat. “Pare!” gulat na sambit ni Owen. “P-punta lang ako sa restroom…” tulirong turan ni Tommy. Naguguluhang sinundan na lang ng tingin nina Jonas ang papalayo nilang kaibigan. Pagkapasok ni Tommy s CR ay tumambad sa kanya ang napakalaking salamin na naroon. Huli na para maisip niyang meron nga palang mga salamin sa restrooms. Napansin rin niyang mag-isa lang siya doon. Pagtingin niya sa salamin ay napasigaw siya sa takot dahil nakita nya sa repleksiyon niya roon na ganap nang nakalapit sa kanya ang babae. Lumingon siya sa likod niya ngunit wala ito roon. Talagang nagpapakita lang ito sa pamamagitan ng repleksiyon. “Hindi ka totoo! Hindi ka totoo! Tigilan mo na akoo!” paulit-ulit na sigaw ni Tommy. Pagtingin niya sa salamin ay natulala siya sa nakita. Nakasampa na sa likuran niya ang babae! Nakita niya ang unti-unting paglapit ng bibig nito sa tenga niya. Tila may ibinubulong ito sa kanya... “Malapit na... Mamamatay ka...” pagkasabi nun ng babae ay naglaho ito sabay biglang nagbukas ang pinto ng banyo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD