“SINO ang pumatay kay Tommy?!” muling tanong ni Jonas kay Bella.
Nanginginig ang boses na sumagot si Bella. “N-nung nagpunta ako sa restroom p-parang may bumulong sa a-akin na pumasok sa men's restroom… Pagpasok ko… N-nakita ko si Tommy, m-may sumasakal sa kanya!” tuluyan nang napayakap si Bella sa asawa. Tila lalagnatin siya sa labis na takot.
“Sino ang sumasakal sa kanya?”
“Isang babae… Maitim siya at nakakatakot! J-jonas, h-hindi siya tao! N-nakalutang sya sa hangin!”
Nag-isip nang maigi si Jonas...
Hindi kaya...
“Bella, hindi kaya totoo ang sinabi noon sa atin ng matandang Afrikano?” ani Jonas.
“A-anong ibig mong sabihin?”
“Posible kayang… Totoong may sumpa ang kung sino man ang kumuha ng Golden Tiara of Ezana?” bulalas ni Jonas.
“Ibig sabihin, Ezana's spirit is after us at iisa-isahin niya tayo?” nahihintakutang turan ni Bella.
“Maaari. Pero imposibleng multuhin tayo ni Ezana… Dahil nag-alay tayo ng buhay sa kanya!” at bumalik sa alaala ni Jonas ang isang eksena bago sila pumasok sa kweba...
Nagpaalam sandali si Maya upang kuhaan ng pictures ang ilang bahagi ng gubat.
Iyon ang pagkakataong sinamantala nina Jonas, Bella, Tommy at Owen upang makapag-usap-usap.
“Mapanganib ang gagawin natin, papano kung matulad tayo sa mga nauna sa ating sumubok na kunin ang golden tiara..Paano kung matulad tayo sa kanila na di na rin nakita!” ani Owen.
“Ang sabi ng matandang African, lahat ng sumubok na pumasok sa kweba ay di nag-alay ng buhay kay Ezana,” seryosong sabi ni Jonas.
“So, kailangang may patayin tayo?” ani Bella.
“We need to be sure... Walang masama kung susundin natin ang sinabi ng matandang afrikano.”
“Pero, Jonas… Kaninong buhay ang iaalay natin?” tanong ni Tommy.
Matamang nag-isip ang apat. Hanggang sa magbigay ng suhestiyon si Bella..
“Jonas, diba sabi mo noon gusto mo nang hiwalayan si Maya kaya lang di mo magawa kasi she's threatening you na magpapakamatay siya pag hiniwalayan mo sya…”
Napatingin ang lahat sa sinabi ni Bella.
“What do you mean by that, Bella?” takang-tanong ni Jonas.
“Hindi kaya ito na ang pagkakataon mo upang tuluyang humiwalay sa'yo si Maya? Si Maya ang iaalay natin! Papatayin natin siya sa loob ng kweba!” naka-ngising sagot ni Bella.
At ganun na nga ang naging plano. Lingid sa kaalaman ni Maya ay tinaminan na nina Owen ang paligid ng kweba ng detonator bomb.
At ang senyales na papasabugin na ang mga bomba ay ang pagluhod ni Jonas sa harap ni Maya.
“Maya Vicente, will you marry me?” sabay luhod ni Jonas sa harap ni Maya.
“Yes, I will!” sabay sa pagsabi noon ni Maya ay ang pagpindot ni Tommy sa isang button na nag-trigger sa isang malakas na pagsabog.
Dahil tanging si Maya lang ang hindi aware sa mangyayaring pagsabog ay siya lamang ang hindi kaagad nakadapa...
Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone ni Jonas.
Tiningnan muna niya muna kung sino iyon bago niya ito sinagot.
Si Owen iyon.
“Hello Owen, napatawag ka?” ani Jonas.
“Pare tulungan nyo ako! Pumunta kayo dito sa bahay ko!” biglang naputol ang linya. Ramdam ni Jonas ang takot sa boses ni Owen.
“Anong sabi ni Owen?” tanong ni Bella sa kanya pagkatapos maputol ng tawag.
“Pinapapunta niya tayo sa bahay niya,” sagot ni Jonas.
“Bakit daw?”
“I don't know… P-parang takot na takot siya, eh!”
AGAD na nagpunta sina Jonas at Bella sa bahay ni Owen.
Si Manang Sisa ang katulong ni Owen ang nagbukas ng pintuan at nagpapasok sa kanila.
“Manang Sisa, nasan po si Owen?” tanong ni Jonas sa matanda.
“Ay naku, kanina ko pa nga kinakatok pero pinapaalis lang ako.”
Umakyat agad sina Jonas sa kwarto ni Owen. Pinagbuksan naman sila nito nang malamang sila iyon.
Halata sa mukha ni Owen ang takot at ang malaking eyebag nito ay ebidensya ng pagkapuyat nito.
“What happened ba, Owen?” ani Bella.
“M-maniniwala ba kayo na may nagpapakitang babae sa akin sa pamamagitan ng repleksyon!”