Until The World To An End
Episode 6
Nakipag ayos ako Kay Mike kahit sinasabi ng puso ko na wag na. Pero Sabi ng isip ko na sya nalang Ang nag iisang kailangan ko Lalo nat ngayon ay malapit na Ang panganganak ko.
Nasa puder kami ng mama ko, at dito na din madalas umuuwi si Mike sa Bahay namin. Pero Ang sitwasyon namin ay parang hangin. Hindi ako kinakausap ng pamilya ko sa tuwing andito si Mike, Hindi rin kinakausap si Mike ng pamilya ko Lalo na mga magulang ko. Alam ko Naman na ramdam at pansin ni Mike Yun kaya sa mga nakaraang araw, Isang beses lang sya kung umuwi dito, Isang beses sa Isang linggo.
"ma, baka pwede ko pong makuha yong nahiram neyo sakin na Pera, ipang gagastos ko Po Kasi Yun sa panganganak ko." Sabi ko Kay mama. Dahil Nung Isang araw ay hiniram nila iyon, sinabi ko Naman Kay mama na ipon namin Yun para sa panganganak ko.
"aba! Maureen! naniningel ka?!! baka nanakalimutan mo na mas marami Kang utang sakin. Kahit mag kwentahan pa Tayo dito." sagot sakin ni mama.
"ma. Hindi ko Naman nakakalimutan Yun. Pero ma, Yun lang Po Kasi Pera namin ni Mike na naipon namin para sa panganganak ko." sagot ko.
"aba!! at sumasagot sagot ka ng bata ka." Sabi ni mama. Hangang sa unti-unti ng umiiyak si mama.
"ma. bakit Po?" Sabi ko.
"wala Kang utang na loob na Bata ka, sinasagot sagot mo na ako! Anong pinag mamalaki mo ha!!" Sabi agad ni mama.
"ma. Hindi ko Po kayo sinasa-" putol na Sabi ko dahil sa pagdating ni papa na bigla ako sinampal. Kaya di ako nakasagot.
"ano ginagawa mo sa mama mo. Ang tapang mo na ha! ginaganyan mo na Ang mama mo! wala Kang kwentang anak!." Sabi ni papa sakin.
Hindi ako kagad nakapag salita dahil sa pag sampal sakin na diko alam kung para Saan yon. Mas lalo ako naguluhan ng dumating si ate Loraine, at kung ano ano na sinasabi.
"Ang bastos mo talaga, pati si mama ginaganyan mo na. Asan Ang hiya mo? ay oo nga Pala wala Kang hiya, pareho kayo ng asawa mong si Mike na makapal ang Mukha." Sabi ni ate Loraine.
Inilayo nila papa at ate Loraine si mama sa harap ko, kumuha pa nga si ate Loraine ng tubig at Pina inum si mama na iyak ng iyak.
Ako Naman naiwan na tulala.
Nang pumasok ako sa kwarto ko, bigla na naman akong lumuha.
Ewan ko ba, bakit sa harap nila Hindi pumapatak Ang mga luha ko, pero pag mag Isa na ako at naka tago nag uunahan na Ang mga luha ko na pumatak.
"gusto ko lang Naman kunin Yung nahiram ni mama eh! Kasi Yun lang Pera ko, Yun lang inaasahan ko para sa panganganak ko. Ipon ko Yun, ipon namin ni Mike." Sabi ko nalang sa kawalan habang umiiyak.
Lumipas ang ilang linggo, at araw na ng panganganak ko. Dahil nga minsan lang umuwi si Mike samin, mag Isa ako sa kwarto ko, madaling araw na nun ng bigla sumakit Ang tiyan ko.
Dinala ako ni mama sa hospital Kasama si ate Loraine.
Oo Sila Ang nag dala Sakin, kahit gaano man ang inis nila sakin, Sila parin Ang nalapitan ko sa araw na to, Hindi din Naman nila ako pinabayaan, at Yun Ang Pinapa salamat ko.
"Lance Denyelle. Lance Denyelle ang pangalan ng anak ko." Sabi ko sa nurse na nag a assist sakin at nag tanong sa pangalan ng anak ko.
Diko alam na lalaki an anak ko, dahil Hindi naman ako nag pa ultrasound Nung buntis pa ako para malaman kung Ano Ang gender ng anak ko.
"hi. anak. Si mama to" Sabi ko sa anak ko na yakap yakap ko. At maluha luha Ang mga mata ko. Naluluha ako dahil sa saya. Ang saya ng pakiramdam ko. Sobrang saya ko.
Niyakap ko pa Lalo Ang anak ko, at sinabi ko sa aking isipan na, "bibigay ko lahat Sayo anak. Mamahalin kita, ipaparamdam ko Ang pag mamahal ng Isang Ina na kailang man diko naramdaman." at dun, dun na pumatak Ang mga luha ko.
- - - - - - - - - -
"pambihira Naman yan. Alam mong manganganak ka wala Kang pere." Sabi sakin ni mama dahil may binigay na reseta Ang doctor na gamot para sakin. May mga bagay din na kailangan bilhin pero ni piso wala na ako maibigay, Yung dalawamg libong binigay ko sakanila wala na daw Yun ubos na agad, Dina ako nagtanong kung San ginamit, baka mapasama pa ako, kahapon ko lang binigay Yun, halos Wala Naman akong nakitang binili si mama dahil kahit papano completo Naman na gamit si baby.
"Pauwi narin dito si Mike, mayat Maya andito na Yun ma, hintayin nalang natin sya, sya nalang pag bibilhan ko ng mga iba pang kailangan." sagot ko.
"Isa pa yang Asawa mo, naku! laging wala, lagi nag tatrabaho pero walang Pera. Alam nyang manganganak kana, diman lang nag ipon." reklamo pa ni mama.
Gusto Kong sabihin sakanila na nag ipon kami kaso hiniram nila, Yun nga lang dina naibalik kaya huli na para mag ipon muli. Kaso diko ma sabi, baka Kasi masamahin muli ni mama.
"wag na! Dina natin hihintayin yang Asawa mo, may nahiram ako Kay Mang Lando, Yung nag papahiram ng Pera. Sabi ko Ikaw nag papautang kasi walang Pera Asawa mo na magaling, eh! kailangan mo ng Pera Kasi nanganak kana, kaya Ayun! binigyan Niya ako. Kaya bibili nalang ako. " sabi ni mama.
Ewan kung matutuwa ba ako o ano. Ako na ngayon Ang naka utang dahil sa panganganak ko. Samantalang may ipon Naman kami.
"Maureen, sabihin mo sa Mike na Yan na bayaran nya eto, napaka daldal pa Naman ni Mang Lando pag di naka bayad sa usapan." Sabi pa ni mama.
Di nalang ako umimik sa lahat ng sinabi ni mama.
Isa pa, diko alam pano sasabihin kay Mike na wala Yung ipon namin para sa panganganak ko, alam nya na pinahiram ko Kay mama yun, pero di nya alam na Hindi na binayaran ni mama. Tapos sasabihan ko na may utang kami. Pano ba to.
- - - - - - - - - -
Nakalabas na Kami ng hospital ng baby Lance ko, at Narito na kami sa Bahay.
"Bumili ako pang sabaw, sabihin mo sa Asawa mo bayaran Niya to para Sayo Naman to." Sabi ni mama. Nasa labas sya ng kwarto ko singaw lang nya para maranig, at nasa loob din nun si Mike sa kwarto kaya di Sila pumasok.
"sege na, Pahinga ka na. Ako na mag aabot Kay mama yang Pera." Sabi ni Mike.
"sege salamat." Sabi ko.
Lumabas si Mike sa kwarto, pero mayat Maya narinig ko Ang boses ni mama, tinatawag nila ako. Kaya dali dali akong lumabas. Nakita ko Ang inis sa pag mumukha ni Mike, tumingin sya sakin, Galit eto.
"ma. Bakit Po?" Sabi ko.
"Hindi mo pa Pala sinasabi Kay Mike Yung nahiram ko na Pera sa panganganak mo." sigaw ni mama sakin.
Nanginig ako, diko Kasi alam pano i explained lahat ng walang magagalit, diko alam sasabihin ko, Ang lakas ng kabog ng puso ko, natatakot ako, Yun Ang nararamdaman ko.
Niyuko ko Ang ulo ko,
Patuloy parin sa pagtatalak sakin si mama, at si Mike umalis at nag tungo sa kwarto.
Nang umalis si Mike, dun ko sinabi Kay mama na inaasahan nya Yung ipon namin na syang pang gastos namin sa panganganak ko, na sya namang hiniram nila, Kaya diko alam pano sabihin Kay Mike.
"Hoy! Maureen! wala akong hiniram Sayo, bayad mo Yun sa utang mo sakin, aba! dito na nga kayo naninirahan ng Asawa mo, dito din kayo kumakain Kaya dapat lang na maningel ako." Sabi ni mama.
"kaso ma, Yun lang talaga Kasi Pera namin na inaasahan namin ni Mike para sa panganganak ko." pag papaliwanag ko.
"wala akong utang sainyo Maureen, bayaran neyo Yung nahiram ko Kay Mang Lando, Kayo na nga tinulungan tapos ako pa mag babayad, aba! swerte neyo Naman." Sabi ni mama.
Wala na ako nagawa, Dina ako sumagot Kay mama. Umalis na eto sa harap ko, at ako Naman natatakot pumasok sa kwarto, alam ko Naman na Hindi ako sasaktan physicaly ni Mike pero natatakot ako sa pwede niyang Gawin, baka Iwan Niya kami dahil lang dito.
Oo, Seguro may trauma na ako, lagi ko na kasing iiniisip Yung sinabi ni Mike sakin.
"tandaan mo Maureen, itatak mo Dyan sa utak mo na wala ng mag mamahal Sayo. Pamilya mo nga dika mahal eh! Kaya pasalamat ka at di pa kita iniiwan, tandaan mo Yan. Ako lang Ang makakatulong Sayo, ako lang."
Hangang sa pag tulog ko Yan parin tumatatak sa isipan ko, dahil Tama Naman sya, Wala ng mag mamahal sakin, kundi sya lang.
Pag bukas ko lang ng pinto,
"pumasok ka at isara mo yang pinto! bilisan mo!" bungad na Sabi sakin ni Mike.
Kaya dali dali akong pumasok at isinara Ang pinto.
"Anong Ginawa mo sa Pera?!! ha! San mo ginamit?" galit na Sabi ni Mike.
"Ka-kasi a-ano Mike. Ano Ka-kasi." putol putol Kong sabi. Kinakabahan Kasi ako.
"ano?! pinang lalaki mo?" Sabi ni Mike na agad akong na alarma sa sinabi Niya.
"Hindi!" pa sigaw na Sabi ko dahil sa sinabi Niya.
"Hindi ko ginamit Yun para sa lalaki. Hindi bat sinabi ko Sayo na hiniram ni mama Yun, hangang Ngayon di parin binabalik ni Mama." deretso kong Sabi.
Huminga ng malalim si Mike at tinitigan ako, sabay sabing "pwes! sabihin mo Dyan sa mama mo na Hindi ko babayaran Yun."
Naka tulala lang ako, ewan ko kung ilang Segundo o minuto na nakatulala ako, Kasi Nakita ko nalang si Mike sa harap ko na may dalang bag at Puno eto ng gamit nya.
"Teka, San ka pupunta?" tanong ko.
"San paba!? di uuwi samin." sagot niya.
"Kala ko ba Isang linggo ka Dito, bat ka aalis Bigla." Sabi ko muli ng may pag alala.
"satingen mo? magiging maganda Ang pag papahinga ko dito?" sagot Naman ni Mike.
"Kelan balik mo?" Yan nalang Ang tangi kong nasabi.
"ewan ko. Bahala ka Muna, dun muna ako samin, dun Muna ako mag papahinga habang Wala akong trabaho." Sagot ni Mike, at may dinukot sya na Pera mula sa bulsa nya, Saka hinagis eto sakin.
"dalawang Daan?" sambit ko.
"bakit ayaw mo? pang budget ko pa tong Tira, habang andun ako samin." Sabi ni Mike.
"Hindi Naman sa ayaw, pero baka Kasi mag kulang. Hindi ko Naman alam kelan balik mo eh" sagot ko.
"di mag tipid ka, padedehen mo nalang yang anak mo sa D*d* mo" Sabi muli ni Mike.
At umalis na nga eto ng diko namamalayan. Na Shok Kasi ako, eto na nga Ang sinasabi ko. Walang syang sinabi kelan balik Niya, Hindi ko alam kung babalik paba sya o Hindi.
Dalawang Daan? ano mabibili neto?
Napa higa nalang ako, at niyakap Ang anak ko. Diko Kasi alam ano na naman gagawin ko, kung Ano na Naman sasabihin ko Kay mama at sa pamilya ko para pagtakpan si Mike. Sa biglaan Netong pag alis.
Napa buntong hininga nalang ako
Bahala na.